Sunday, June 10, 2012

Si Adan sa puno ng Karunugan


Nang kagatin kinagat niya 
ang malambot na puso ni Eba
napapakit ang kanyang mata 
hilaw pa pala!

Art Installment sa Planggana

Mapupula ang  mga hasang

tila namumukadkad na rosas,

kumikinang ang mga kaliskis

tila perlas sa tiklop na kabibe.

 

Sumisilip ang asul na hapdo

Na natatakpan ng mga hibla ng bituka

Sa unang tingin tila mahalagang batong

hinuhukay ng mga pawsisang minero.

 

 

Kay haba ng mga palikpik

tila mga abuhing pakpak ng anghel

o kaya ng lawing hinihiwa ang ulap

sa bawat kampay patawid sa dagat.

 

 

Umbok ang mga malalambot na taba

na para bang palumpon ng bulak

o kaya inihip na kayo 

sa katanghalian ng Mayo.

 

 

Ang buong paligid ay tilamsik ng dugo

naipon rin ang namumula at naninilaw-nilaw na likido 

tila ba  inorasyonang tubig ng albularyo

na inilalahid sa nabibiyak na noo.

 

Habang paikot-ikot ang nababanguhang langaw.