Tuesday, February 7, 2012

ikaw

sisibol mula sa kawalan
ang mga salitang iyong dadasalin
ang mga parilalang iyong  aawitin
at luluhod ka ng walang sinasamba
pagkat patay na ang mga bakunawa
patay na ang ng diyos-diyosan
mamuhay kang malaya
na sinusunod ang pintig ng puso
tatahakin mo ang daan
ng walang takot at pag-aaalinlangan
pagkat wala nang mga ahas
walang ng  mga uwak
wala ng mga  baboy
patay na silang lahat....
hahanapin mo ang totoong diyos
sa dahon
sa bulaklak,
sa ulap
sa araw
sa buwan
sa tubig
sa bundok
at sa lahat ng bagay......
at mahahanap  mo rin ang iyong totoong sarili...........



No comments:

Post a Comment