Friday, December 30, 2011

buko ako

diri ako paghusgahi  sa asgad
ta buko akong asin
diri ako paghusgahi sa pait
ta buko akong apro
diri ako paghusgahi sa alsom
ta buko akong suka
diri ako paghusgahi sa tam-is
ta buko akong asukar
kung uno ako
sana tanggapon mo
pati a kaluyahan ko
ag kakundian ko!

Thursday, December 29, 2011

paayap

Sa  pag-uyop ka angin
Mig-akbot sa abrot
Itataas...
Guru-gatingay na ititikrag
Pigsusuway su apa
sa tupasi....
Pupuruton su kawuy-kawuy
Ibabagat......
Utro mig-akbot
Luway-luway na ititikrag
Habang nagsusuway su tupasi sa apa
Utok nagdadalagan na
Nakangirit ta nganod
Siguradong  kwarta.

agbaan

Sa kaababaan
ka paglayog
Masakit
kang rakpon,
abuton.

A purong-putungan
di mo pa
natung-tungngan
pero bilog na
a kamuyahan
mo.

Binalanse
a kagayunan
miy
kapakumbabaan
siton
kupad
ka pakpak mo .

sa nagburlis ko gadya ko.

nguwan na ramrag
naamay akong tuminukad
ta ilalawig su damulag
pasasabsabon, aatamanon.....

pirang bulan pa
ataman ko magiging duwa na
tamang- tama pantagama
sa pagpa-eskwela..


ku ako makatukad ag makarani-rani
sa linawigan ko sapon
ay ta uda sadto su damulag
sarin ko raw aanapon kun nakabugto man


ku ako makarani pa ako
ako pinangluya....
di man palan ika nauuda
sadi pa ngani su payo mo
kulit, ag paa....

uyam!
kun siisay man kanio nagburlis
nauuyam ako
kun nata di  pay ka  dinara
kaiba ading pisi mo
ag palo.....

kirot ng kurot

kirot ng kurot ng pagsakit
ang sampal ng hanging
sumasakal sa aking  leeg.....

'di ako makahinga
at dahan ng  napiipigtas
ang huling talulot
ng aking pag-asa.......

yakapin mo ako
reyna na aking gabi
at ilatag kahit sa panandaling banig
ng paglimot....


at maghimala man
baka mapigtas  na ang
pising  nakatali sa aking leeg...........

pault-ulit

pault-ulit na mabibigo
luluha
tatahan
tatawa
at muling mabibigo.....


mabibigo
at mabibigo
luluha
at luluha
tatahan
at tatahan
tatawa at tatawa.......


ritwal ng kabiguan
ang pauli-t ulit na pagkabigo
pagluha at pagtahan
at muling pagtawa......


ritwal rin ng pag-asa
ang pagbangon sa umaga
kasabay ng pagyakap
ng hintuturo ng araw
sa sangkalupaan..............​........

may pangako ang ulan

May pangako ang ulan
Sa pagbagsak nito sa bubungan….

Naputik na ang dalawang pulgadang alikabok sa daan
Muling nang sinariwa ang nauuhaw na lupa
Pinalis na ang pagkasabik ng natigang na ilog.

Tumutubo na ang naluoy na damo
Kumakaway na ang  mahamog na dahon ng mais
Na pinagtiyagang inilusod ng gitaking palad.

Malakas na ang daloy ng tubig sa balisbisan ng bundok
Puno na ang dram ng tubig mula sa sagurong
Mapapaligo na ulit ang bansot na baboy.

Nagbabagong kulay na ang bundok
Nagsasaplot na muli ng bulaklak at talbos
Kasabay ng pagtubo ng mais

May pangako nga  ang ulan
Sa kabundukan ng Cristo Rey…..
May pangako......

mani

Sinalubong niya ang bus
mabilis siyang sumabit
sa pintuan nito.
(walang pasaherong nagulat)

Ni hindi natapon ang tinda
niyang mani.....

Mula sa likod inisa-isa niya ang pasahero
(pero walang pasaherong bumili.....)

Ng muling umarangkada ang bus
mabilis siyang tumalon
hindi siya nadapa,
hindi rin natapon ang mani
(walang pasaherong nagulat.....)


Muli sinalubong niya
ang isa pang paparating na bus
Umamba siya sa pintuan nito
Inisa-isa niya ang pasahero
Inalok ng kanyang mani.....

"Ale salted na mani
Kuya mani po!"
(walang pasaherong bumili)

Tanghali na
Singkwenta pa lang ang benta niya......

Muli, mabilis siyang tumalon
Sa pag-arangkada ng bus
(hindi siya nadapa
at hindi rin natapon ang  mani......)

Matubig na ang kanyang mukha
naghahalong pawis at luha
naghahalong pag-asa at awa..


"May sakit si bunso......
kailangang makabenta..........."
Muli sinalubong niya ang paparating na bus.....................

baldeng tipak

puno na su baldeng tipak
sa tubig uran
galin sadto
atop namong lubot.....

luway-luway nang
luminilipwas
nababasa na
ag nalalapok
na ading pagtubod..........

diyos ko!
pasaldanga na
tanganing tumugas naman ako...........

tilapia

tilapiang bato.....
tilapiang buhi....


basta tilapia!


prinito........
inalsuman.....
inubasan......
inon-on.......

basta maluto!


ikog........
payo......
guwa......

basta agko laman!


tilapiang bato.....
tilapiang buhi......


dawa uno!

serapinang inon-on

kinaskasan,
pinugotan  payo,
winasawasan,
binuntog sa kaserolag sadit.......


sinalakan
suka,
tinultog na bawang,
giniris na sibuyas ,
ag rugsang na paminta.....

nag-paludab
pigpa-kalakagaan
inawon,
naon-on na su serapina........

dalampasigan ng pantao

Malayo ka't bihirang marating
sa dalampasigan mo naman  ako'y nahumaling.


Sa imbay ng iyong mabining alon
Ang puso't isip napapahinahon.


Sa pagyakap ng malamig mong tubig
Pumalis ng takot sa paa kong nanginginig.


Sa dapyo ng hangin mong malamig
Bumalong muli sa dibdib itong pag-ibig..


At sa pagdaong ng  munting bangka
Sa dalampsigan hinimala
Mga hinanakit ay unti-unting ng  nawawala.


Rinittwal ang  paghalik ng haring araw
Sa kagandahan mong di natutunaw.


O Pantao sa mata ng estranghero
Kagandahan mo'y sa puso'y kwinadrado.

kumpisal

nguwan na gab-i
sasabihon ko ngamin kong tago-tago
ngamin ko iluluwas
da ako itutuda
ta gusto kong mabisto mo ako sa maray
tanganing da ika iisipon
na maraot kun ako nakatalikod.....

mudto na

nagpaingalo na su paratataho
nakiula na su naglalakong banig
naki-inom sa tubig su parasasad
namayid bag-ot su paratitindang mani

mudto na! sari pwedeng magkaon
na agko tubig na maagnaw
ta lang init kading panahon...
nakikisabay a init sa lapnit kan buhay...

oras

an oras haluyon
pag igwang hinahalat
kun pwedeg ibusol
an kamot kan relo
tanganing madaling umalas kwatro
asin maheling na
an kamuyahan kan buhay
an kinukurahaw kan puso
an lalawgon na rinururum
kun bangging sulo-sulo...

pero batogon na maray
kun warang ginigibo
lalo kun gustong dulagan
an kulog na dara kan pagkamoot
an panahon na nagbuburubwelta
sa mata pag ipinipirong
an ga oras asin minuto
na mamuya kaidto
na naging bagungt ngunyan

Nagpapamati ako

Ipamamate ko
Ining takrobon kong pagkamoot
Sa paagi kan mga letrang ini
Ta ako naoogma kun
Nahihiling ko ika
Dawa di ako makasilong na deretso
Sa saimong mata
Kontento na ako
Na silngan ka pag ika nakatalikod
Gusto kong mation an saimong buhok
An saimong lalawgon
Dawa dai ko magibo
Sa paagi na sana kan mga letrang ini.
Ika magiging sakuya....

Tigre si Tatay

Tigre si Tatay
Kami an kinakakan
Kami an kinakagat sa liog
Luway-luway na ginagadan...


Sarong banggi
Napagpauli siyang tayong
Dakul an pigngungurob-ngurob
Rinugma an harong...

Taranta si Nanay
ano daw an dapat gibuhon
Sinaway  an kinapay kan arak
Pero an nakua niya ngabil na rapak...

kinakalambri ako

di ko maiwag ading sadiri ko
kinukurumtan ako sa girabo
ag pagkatakot...
ta usad-usad na nagpapabayad
kanako iba-iba kong sadiri
diri ko maanap kun arin na
a tunay na ako

luway-luway akong
nalulumos ka sadiring kaluyahan
nalilibong ako
diyos ko!
tabangi ako.....
paiwag man ading tiil ko...

tataposon ko na

tatapuson ko nguwan na gab-i
ining kakapayan ko
diri na ako migpadara
diri na ko makukulgan
diri na ko migtangis....

bubuwayon ko nguwan gab-i
a bago kong sadiri
makusog, matibay
diri matutumba ka bagyo
o uno man na lindol
diri na ko mapapadapla .....

ogma iba na ko
diri muna ako mabibisto
ta tigbak na su dating nabisto mo
inigin ko nguwan gab-i su bago kong sadiri....

diri mo ako pagtuomon

ata diri mo ako pagtuomon
ta baad mapadapla ika
o masungkog
malingaw ka
diri mo na  ako mabisto...

ibutang mo ako
siton puso mo
tanganing daw uno magyari
dawa sari ika
dawa uno mo ginigibo
sito ako kanimo
diri mo ako mallilingawan...
ta nagtutubo ako siton
siton loog mo
mamate mo ako
kun ika nalilipungaw
kun ika nakakatakot
ag kun ika naoogma.....

kapirasong karne

Iisa lang ang piraso ng karne
Maliit  ito
At halos buto na
Pero maingat itong na pinaghahati-hatian
Ng mga masisipag na langgam
Tinitiyak na lahat ay meron
Lahat makakakuha
Lahat mabibigyan….


Ng mapadaan ang ganid na uwak
Agad nitong tinuka ang karne
Nagalit ang mga langgam
Kaya kinagat nila ag paa ng uwak
Pero anong laban ng nila sa tuka ng uwak


Patay ang mga langgam na kumagat
Sa paa ng uwak…..

ma patawada, ta napadapla ako!

kadto ku sadit pa ako
tinuturuan mo akong mag-agi
dawa ika napapagal
dawa nagtuturo  a bag-ot
basta ako maka-tuod maglakang
okey sana.....
sabi mo, dapat diri ako malupog.....
kaya tinuturuan mo akong
mag-agi sa tulid
nauudit ka pag napapadapla ako
ta narurungasan a tuhod .....
abu  mo akong makulgan
abu akong marungasan.............


ma patawada
ta nakinamit ako sa pagkamoot na agko lason
naki-gakos ako sa kawuy na agko tag-sadiri
ma patawada ta duwa na ako nguwan
uda ako susulodon
sagkod di ko kayang sumulod
kaya uminuli ako sadi baloy nato
na rungasan
nagrurugo ading tuhod.....
nasasakitan akong  bumuhat
ma patawada ta napadapla ako..........

ma aram ko makulog
ading ginibo ko
sana di mo ako isubol parayo
imbes tuturuan mo ako utrong mag-agi....

awit ng punglo

isang hapon umawit ang punglo
at ika'y nabuwal sa lupa

napunit ag katahimikan ng mga piyon
binitiwan ang pala
ibinagsak ang mabigat na buhangin at graba
at iniwan ag hinahalong semento

nagulat ang mga magsasaka
iniwang nakatiwangwag ang araro at suyod
na  hindi na naisilong ang hingal a kalabaw...

tinalikdan ng labandera
ang tambak na labada
at sabong ayaw bumula

awit ng punglo ang nagpakilos sa lahat

nagkalampag sila
subalit ang buwaya,
uwak,
unyango
at baboy
ay di natinag
uuwi silang pagod
at pawisan
bukas aawit muli ang punglo....


templo ng aking kaluluwa

templo ng aking  kaluluwa
hardin kang himalang nalikha
sinagrado ang iyong hiwaga
ng hinga at hulma ni bathala
ang iyong bundok at parang
bukal ng buhay na di natitigang
ang kapatagan mo'y sinapupunan
ng pag-ibig at pagmaahalan
ang munting sapa sa iyong mata
daluyan ng tuwa at pag-asa
tinahanan ka nang banayad na himig
habang pumpintig sa puso ang pag-ibigisip mo'y malawak a unibersiya
ng mga titik at parirala ...

hahanapon ta ka

Dadalaganon ko an kabubuludan
Susurukon  an kabubukidan
Rururipon an katubigan
Hahanapon ta ka, sain ka man.

Hahanapon ta ka sa puso kan kadagatan
Aaraduhon ta ka  sa kadagaan
Sa saru-saruon an kababatagan
Uukayon ta ka sa kalubluban.

Pag nahanap ta ka,
Matuturog ako sa saimong daghan
Asin ako magtatalubo diyan
Ta sa  lindong kan saimong pag-ataman.
Wara an takot asin  kariribukan.

Wara an gabos, kundi katrangkiluhan
Warang paghibi puro kaogmahan
Warang hadit puro paglaom
Kaya ika sakuyang hahanapon sain ka man.

Tuom ta pay ka

Tuom ta pa man ka
Dawa ika nauda na
Burak mu ngani pula
Bayong na rignos kaparyo baga.

Ugbos mong masiram
Pisog mong nag-iinit
Pag kinikiskis sa paril
Awak mong agko tudok na itom
Puruputungan na sinalagan sa malapaga
Pag sanga mo nalalaya
ag ginagatong
Unimaaso sana
Awak mong malumok
Madaling malupa
Istaran ulalo
Kinukotkot namo
Tuom pa man ka raprap
dawa ika nauda na......

burak na nakaukrong

burak siyang magayon
kapareho gayo ka kogon
luminalayog
sa uyop ka angin na makusog
ag arayo a  naiiyanan
linulupadan dawa uda man
makusog na pakpak na panlaban sa angin
maamot siyang gayo ag magayon
pero sa  pag-agi ka panahon
buminalik siyang naka-ukrong
ta burak siyang kogon
na natikrag sa nagbabagang pugon...

rizal

(sa  iyong ika-115 na kamatayan)

ipinakilala ka sa amin
simulat sapul
ng aming guro
subalit di ka namin nakilala ng lubusan
di dahil kahapon ka 
at ngayon kami
di dahil sa tinitingala ka
at tinatapakan kami
mas lalong di dahil sa matalino ka
at  mangmang kami
kundi dahil ipinakilala ka sa amin
bilang isang nilalang  na  perpektong nabuway
na di magagaya.....

Rikot

Patutuboon ko sinra
Sa paniilan
Ta masiram a giruk
Dangan pag nagrambong
Ag guminakos o buminurubod
na sa tiil
Ag nanugid sa ugat
paiyan sa puso ag payo
gagabuton ko man
babadason
ta nganing mapundo ding kakapayan....

Sala-sala

Tutukbason ko ading palapa
Sasala-salahon , tatagpi-tagpion
Ipuputos sa kaubaan namo ni agom
Ta kun manalang a angin
Ag manirip  a uran
Diri sinda  makukulatay
Ta agko na kami bado....

Wednesday, December 28, 2011

Bitik, pasuot, ag pasipal



Dawa gauno a paglikay ag pagliklik
Na diri makadagso
Na diri makatuntong
Ay ta ako mismo 
nagrarani sa bitik.

Dawa gauno a pag-imat
Na diri ako matubong
Diri makaloog a payo
Tanganing diri matungok
Ay ta ako mismo a nagluluog
ka sadiring kong payo sa pasuot.

Dawa gauno  a pag-inguwa
Na palabaon ining buway
Ay ta minsan di ko ginagamit ining utok
Sige sanang sige dawa puro paon ag patibong….

Diyos ko tabangi ako!

Mga kabrit karagumoy




A  kada kabrit ka  karagumoy 
Maapri ag maaldat
Pero kaipuhan na tioson
Ta da man an pinagkaiba ku namamatian mo
 Ku ika namimiraw pa
Nguwan na agom mo na siya
Mas  kaipuhan na magin  makusog
Diri pag risaha a  aldat
A kabrit o a lugad
Ta paunoy ka makabilog
Sa banig sa pagkamoot
Kundi mo aampangon
A karagumoy na  nanggugurot.

Sinugbang Batag


Kun gauno ta kauban itinatadyok a mga tukon
Ag ikinakabit dagos ginagaplot a pukot
Tanganing diri matumba o marapak
Arog  man kan a pag-inguwa ta
Na makapagpaludab gamit a giniris na anod na tsinelas
Ag giriw tanganing makapagsugba sa batag na abal
Na nakuko ta sadto bulig  na nagkaturumba ko pagbaha.

Kun gauno kaaba o kaalipot
A pag-ulat tan a agko masalang lumayog
Na riwariw, tiking, baktat o kaya ong
Sadto taon natong pukot
Arog man kan a pasensiya nato
Na malutong bukong bagiw su batag na sinugba nato
Ta a siram ka ngamin na bagay agko panahon
Paryas ka pagpandaw agko man oras…..

Tuesday, December 27, 2011

Olang

Kadto nababayad ta'y kang mamuya
pag binibisita ka ni manoy
na dara su igin niya
sabi mo sadto igin 
"mayna na nonoy
rani na ki Olang"
ngata raw iba
a aliiwalas ka mata mo
pag kapot mo adtong igin?
pagkinakarga mo adto?
pagitinataas ka duwa mong kamot?

Naglalagpas a saldang ka aldaw
paloog sadi  batangan
nguwan ko nasimbagan
kung uno a pagmate ka pagiging olang
nguwan na pinapaturog ko naman
ading  mako-apo ko.....



Thursday, December 22, 2011

bulawan

nguwan na mainit
sasapuyan sa bulawan
a palitada.
sa pagsaldang ka aldaw
migkirilyab
sasapugayon ka tiil
ming-girok
mingtusok-tusok

migraranihan a mga costa

dangan a init na sungaw ka mga tupasi
a mga ibo ag tagras
kaipuhan na singuton
kaipuhan na tulunon
tanganing mabulong a kulog buros
ag masimbagan a uban na pag-ulat....
sa bugas
binlod
bidaw
ag apa.....

pagbabalik

makikita mo
ang mga bundok
ang mga burol,
ang palayan,
ang langit....
ang langaylangayan
at ang mga balinsayawang nasa kawad
lahat bumabati sa iyo

makikita mo
ang mga poste ng kuryente,
ang nagtatataasang tower
ang mga batang kargador
ang mamang namamalimos
ang baliw
at ang mga  nagbabaliw-baliwan
nag-aabang silang lahat sa iyong pagbabalik

makikita mo  ang mga gusali,
abandonado,
kalansay,
wasak,
pinturado,
mababa,
at yaong inaabot ang langit.

madadaanan mo ang mga bulaklak
subalit di iyon ngingiti.
madadaanan mo kalabaw na sakay
ang mag-ama
marahil pauwi na mula sa tumana..


madidinig mo ang pulpito ng simbahan,
ang pep! pep! ng sasakyan,
ang mga ugong ng motorsiklo,
ahh...wala kang  maintindihan
naghahalo ang  lahat ng ingay


maririnig mo ang iyak
ng ibong naliligaw
naiwanang mag-isa
makikita  mo silang lahat
maririnig
subalit di ka nila mapapansin....

sa pagbaba mo sa bus
sasalubungin ka ng iyong inang
nakaitim at umiiyak
at sa garagal na tinig
bibigkasing ......
"wala na  siya.....
wala na ang iyong ama"...



Kada

Sa kada  halo
Alpog na sisinguton.

Sa kada sisig
Matang pupulingon.

Sa kada sig-gid
Talbong tutulunon.

Sa kada asentada
Igin na papaiskwelahon.

Sa kada pagturo ka bag-ot
Pamilyang bubuwayon.

Wednesday, December 21, 2011

ako at ang aking pamayanan

Sa aming munting  pamayanan
Lahat kami ay  nagtutulungan
Pagkat layon namin ay kaunlaran
Pagkakaisa at kapayapaan.

Yamang likas na aming pinagkukunan
Maingat  na ginagamit at  pinapangalagaan
Mga pinutol na puno agad pinapalitan
Pagkat sa darating na henerasyon ito'y laan.

At ako bilang musmos na bata
Tumutulong sa munti kong paraan
Pagtatapon ng basura kahi't saan
Gawaing aking nang iniiwasan.

Talulot ng Apoy

Nagningas ang iyong munting talulot
Ang taas ng langit pilit mong  inaabot

Nagsusumayaw ang gutom mong alindog
At bawat halik mo'y mapait  na handog.


Berdugo kang sumalakay sa natutulog
Magnanakaw na gumapang at nanunog.


Musika mo ang palahaw ng ina
Obra mo ang takot at pagkataranta.


At sa tao'y napatunayan nila
Na hindi materyal na bagay ang mahalaga.

Salbabida

Iká a salbabida ko
Sa masulóg na sulóng ka buway
Nakagakos ako kanimo habang na nagpapatawpátaw
Sa kabitngáan ka kaudáan
Sa pag-aanáp sa sadíring nauudà
Sa pagsulód ka nagsusulog na pagtubód
Abû ta ikang bilíwan
Ta dirí pa ako tatáong makutabkutáb
Magbarabára o mag-ináyam
Tangáning masalúnga a sulóg.
 Nakalunad ako kanimo 
Ta kun akó kaúnon ka sadíring kaluyáhan ag kusóg boót
ag dagos  matambunán ka mga ragpâ
ilulutaw ag ilulutaw mo ako
Inalsa mo ngamin na gubat ko
ta kun sa pagbarabará sa pag-abót ka pangpang
maubusan sa kusog o kaya  pangluyahon
iaawas ag iiàwas mo
A payóng naglublób sa tubig
Ag nagsusulód inángos
Suyan ka  piri na migduyóng kanakô
Para makaabante
Tangáning maabót ko adíng pangaturogan ag pagláom
Ma, iká a salbabida ko
Tangáning padágos na mag-angos....

Pagpapalaya

papalayain kita
tulad ng pagpapalipad sa hinawlang ibon
at papalayain ko rin ang aking sarili....

at ngayong araw
lilinisin ng aking luha
ang lahat ng bakas at marka mo
hindi dahil galit ako saiyo
hindi dahil nasaktan ako
kundi kailangan kong hahanapin at bubuuhin
ang aking sarili....

at kung sa liit ng mundo
ay di sinasadyang  magkatagpo ulit  tayo
ngitian mo na lang ako...






Saturday, December 17, 2011

SENDONG

Sendong, tinuklap mo ang aming bubong
   basang sisiw  kami di alam kung saan sisilong.

Eskala ng iyong musika ang aming takot  at hagulhol
   mga nota mo'y  luha at patay na sanggol.

Nahan na ang iyong awa Sendong?
   pagkat ang uugod-ugod na lola'y  sa baha pinasuong.

Damit nami'y basa, nanginginig pa sa gutom
   at sa palad ni Inay pag-asa ng rosaryong kuyom.

Oyayi ni Ama sa mga anak na takot
   ang hagod ng kamay sa natuyong suot.

Nangitil  ka Sendong at nangwasak sa aming bayan
  ginahasa mo rin ang mga puno at palayan.

Gusto man naming magsaya ngayong pasko
   maglalamay muna kay mahal na  bunso!

Oktubre

Oktubre na! Tapos na ang anihan, nagsisimula  na namang araruhin ang mga palayan. Ang iba nama'y halos dalawang  dangkal na  ang tubo ng  palay. Subalit  karamihan  sa mga nagsasaka  ay hindi na  makapagtatanim lalo na yaong nasa  kababaan. Binabaha kasi,  kaya nabubulok lang o kaya kinukuhol lang ang punlang palay.

Malayo ang tingin  ni Jun tinitingnan ang naudlot  at nabubulok na bulaklak na sugbo(tambo) ito sana'y kakawitin  niya at gagawing walis-tambo pero waala na  bulok na ito. Ang iba nga niyang kapitbahay  ay nagdadayo pa sa kalapit na lalawigan  upang manguha ng tambo, wala siyang  pera pang-pamasahe  kaya wala...balita niya  mahina rin ang pamumulaklak ng  tambo, epekto na marahil  ng lupit ng hagupit ng nakaraang bagyo.

 Samantala, sa paaralan  abala  ang mga guro  sa pagpapalinya  sa mga mag-aaral. Pinapatayo  nila ito ng tuwid dahil magrorosaryo. Nang tumunog na ang buzzer  handa na ang lahat sa paglitanya at ang mga misteryo  ay paulit-ulit  na binubulong at ang iba'y mali-mali. "Hill mary full of grease.......Ang iba'y tatawa o maghahagihikan at ang mga pilyo nama'y panay ang kwentuhan. Kaya lalapitan ng guro at tatabi sa mga pilyong bata titigil ang mga ito sa paghagikik at pagkwekwentuhan. Subalit sa pagtalikod ng guro balik na naman. Sssshhhh ! Saway ng guro. Hay salamat tapos na ang rosaryo!

Silipin natin ang mga kabahayan. Hayon si  Karen  abala sa paglala ng mga ginupit na retaso  binili kahapon sa ukay-ukay  mamiso daw ang damit, ginagagwa niya itong basahan. Maingat niya itong nilalala, trenta y singko pesos bawat isa noon buti na raw iyon at  mapagkakakitaan kahit mahina ang bentahan. Tagaktak  na ang pawis niya  pero okey lang daw yon ag mahalaga  maipong pambili ng pagkain upang makaraos sa pang-araw-araw.

Sa bahay nina Mang Lito abala ang mga kawatan sa pagpaparter at sa pagtatali  ng walis tambo. Ang iba'y pinapalambot ang dulo sa pamamagitan ng pagpapalo rito  ng bakal bago tahiin. Pabilisan ang mga kawatan,  naroon rin si Aling Dina asawa ni Lariong mahilig sa sabong kahit walang pambili ng pagkain. Piso kada kumong pinarter "Okey na yon  kaysa matulog" aniya ni Aleng Dina, "may pa-isnack namang na kape at tinapay."

Kung mabilis ang paraparter kaya niyang makaisang daan sa magdamag. Sinasabayan na lamang  na lang kwentohan  at tawanan  pampaaalis ng antok. Minsan magkakapikonan kaya meroong magwawalkout pagkaraa'y babalik naman.

Ah! ganito ang Oktubre rito sa probinsiya taghirap  kailangna lagi ng perang pambili ng bigas  lalo na't ubos na rin ang naitabing sako g palay, pero nakakaraos rin.

Ang Guryon(ang pagtanggap)

Ang Guryon
(ang pagtanggap)
ni Jomark M. Baynado


Tinatanggap ko ama, iyang munting guryon
Na yari sa patpat at “papel de Hapon”
Magandang laruang pula, puti’t asul
Na may pangalan kong sa gitna naroon.

Ang hiling mo ama na bago paliparin,
Ang guryon kong ito’y pakakatimbangin;
Ang solo’t paulo’y susukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.

Saka, pag umihip ang hanging malakas
Sa papawiri’y papaliparing pataas;
Ang pising marupok titibayan po ng anak,
Di hahayaang lagutin ng hanging marahas.

Ibigin ma’t hindi, dadatal ang araw
Ako’y  susubuki’t makipagdagitan;
Makikipaglaban po’t laging  tatandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.

At kung ang guryon ko’y sakaling madaig
Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Kung saka-sakaling di na mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
Dagiti’y dumagit saan man sumuot…
Papaliparin po’t ihahalik sa Diyos,
Bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!


Nay para tagiti

nay para tagiti.. lang uyam
nay para angin lang pungaw....

sabi ko saymo kaydto
kayon akong pagkamoot
na abu kong ipasabot
ta an batag na iluw pa masakrot
kaya hinalat ta ka na mainog
na magin mayugmok....
sa ngabil ag sa kamot
kaya su  kalboro itinapil
ta a pagkamoot kong sutil
baka pirming pumisil
hinalat ko su tamang aldaw
hinalat tay ka
hinalat tay ka
pero di ka na naghabot.....

nay para tagiti lang uyam
nay para angin maagnuw

sabi ko saymo kaydto
ako pag gab-i nay para pirut
na nagigibo nin surat-pagkamoot
na dawa takrob ipasabot
ining lumbod na pagkamoot
habung magpundo ining kamot
sa pagkurit nagpupulbar na magpasabot
Ta a mangga pag iluw pa
matigsom! ay malang alsom
kaya pinainog tay ka sa puon
ta pag inog na saka kukuon
pero abal pa sanay ka
nagpagutos na sa iba......



Friday, December 16, 2011

ang kutsero at ang kabayo

ako'y  nalulungkot saka nagtatampo
sa mga tao at pati na sa mundo
pagkat ang malawak na daigdig ko
ay ang sumunod sa pitik ng latigo
mata ko'y tinakpan para ng binulag
at sa mga kalye wari'y lagalag
sumusunod sa bawat wigtik
sa bawat hila sa bawat tapik.
di nyo ba kahit minsan naisip
na pag walang pranela at piring na takip
mas akong kapakipakinabang.

aking kutsero sana alalahanin mo
na kahit ako hamak na kabayo
may kaligayahn ring nais na matanto
may puso't damdamin ring tulad ng sa tao
may pangarap rin makatakbo
hindi sa mga kalsada kundi sa mga damo
at higit sa lahat ay may buhay rin
 na naghahangad na pahalagahan at mahalin
sana marinig itong hinanakit
pagkat wala akong pinagkaiba sa nakapiit
na may buhay nga subalit patay....




Thursday, December 15, 2011

kinaliwa-kinanan

di ko alam kung bakit ako'y nasasabik
sa pagdatal ng gabing tahimik
at ang mga  tukso ng  bituing sumisilip
sa aki'y ayaw magpaidlip.

tinatawag ako ng kakutsaba kong buwan
pinapabangon sa aking higaan
at hahakbang ako ng marahang-marahan
palabas sa tumututol na pintuan

tatakbuhin ko ang piping parang
ng walang kaluskos  at agam-agam
pagkat ang layon ay  marating at matanto
ang lihim na tagpuang puno.

marahil sabik na   ika'y makaulayaw
sa piling ng mga damong sumasayaw
at malayo pa man akin nang inaaninaw
ang anino mong sa pag-ibig ko'y uhaw.

ikukulong mo ako sa iyong braso
saka maglalakad na magkahawak kamay
ating nanamnamin ang hiram sandali
sa parang na ating pinipi.

sa madaling araw ako'y uuwi
na punom -puno ng ngiti ang labi
papasok sa nasusuklam na pintuan
at dahang dahang  tatabi sa asawang kinaliwa-kinanan.





Wednesday, December 14, 2011

sampung munting daliri

sampung munting daliri
nagtutuluingan palagi
sa paglilinis ng bahay
o sa pagtatanim ng gulay
sa pagbubuwat ng mabigat na bagay
upang iabot kay inay
sa pag-iigib ng tubig
na panghugas at pang-dilig
at sa pagpupunas ng sahig
bukal sa puso't walang bahid
sa pagligpit ng kinainan.
o sa paghugas ng pinggan
sama-sama at nag-aawitan.
sampung munting daliri
galit sa tamad at maramot
at ayaw rin sa mga batang madamot
kay misyon nila
maging modelo at mga kuya
na magtuturo sa bawat isa.

sampung munting daliri
masisipag at magagalang parati
nagmamano at nagbabati
sa sinumang makasalubong sa pag-uwi
sa pagtulong di nangingimi
pagkat alam nilang ito'y yaman ng budhi
kaya ang mabigat na panggatong
nagiging magaan pagtulong -tulong
awit nila  pa nila habang gumagawa
"ang sampung munting daliri
sa pagtulong di mangingimi
pagkat ang diyos na lumikha
sa gawang mabuti'y natutuwa"
kaya sila'y laging sama-sama
laging nagsasamang masaya.







Tuesday, December 13, 2011

sa mga mag-aaral

paulit-ulit kong ipinapangaral
sa aking mga anak na  sa likot ay sakdal
ang subtansiya ng pag-aaral.
Pakiusap ko'y makinig  sa itinuturo
sapagkat ang  landas ng buhay ay biko-biko
at kung hindi handa ang utak at puso
baka sa dagok ng buhay madaling sumuko
akin pong itinatalastas
na ang inang nagpasuso ng gatas
hangad ay anak na pantas
hindi iyong sa pera ay nagwawaldas
o kaya nagsasayang ng oras
at sa computer shop nagpapabukas
upang sa pag-aaral at gawaing bahay ay umiwas.
kayamanan ang batang masipag
tiyak pa ang bukas na maliwanag.

tingnan iyong kabataang  sa magulang  di nakinig
nagsisisi at  di makatitig
umiiyak ang garalgal na tinig
pagkat sa mundo puno ng bitag
sila'y  aninong nalalagalag
pakiusap ko po'y paligayahin
ang mga butihing magulang natin
lalo na ang amang  matiyagain
sa pagbubungkal sa bukirin
upang tayo'y pag-aralin
Makinig po lagi sa gurong mahal
pagkat pinapanday nila ang inyong asal
itinuturo nila  ang pag-ibig na bukal
sa kapwa at sa diyos na banal
tandaan lagi na ang kamangmangan
ay kasalanan sa diyos at sa lipunan.

titser jomark

Monday, December 12, 2011

sa ribok

sa ribok mabubuway
a diri pagkakaintindihan
ta uda gusto magrungog
ngamin gustong magsarita
ngamin gusto magbisara
ta uno raw agko substansiya
su binibisara, a pigsasabi
a pigpapatalastas?

ngata gagatikot gustong magrungog
samantalang lang pagal magparasarita
kun da man nagrurungug
ngata a pagrungog  nakakabungog?
unong tuninong raw a kinaban
kun ngamin nakakainintindihan


sulat mula baao

lumaban ako
tumakbo, lumayo, tumakas
pilit akong nagpumiglas
at kumawala sa nanakop na damdamin
lumimot sapagkat di na maibabalik ang isang kahapon
subalit bigo ako
sapagkat napansin
ko na lamanag na tinatahak ko ang daang pabalik
sa piling mo
alam kong lason ako
asidong sisira sa pangarap 
sa buhay
sa bukas
pero di ko magawang tumiwalag 
sa dikta ng isip at pagkamakasarili
subalit mali ba ang ibigin ka
at mali rin ang ibigin ako
hindi ko kayang kumawala
sa brasong mong kulungan
tinutunaw nito ang lahat na pagtanggi ko
ng pag-ayaw
talo ako..
alipin mo ako
sunod-sunuran  at di magawang tumutol.....

kahapon nakatitig sa akin 
ang anak mong walong taong gulang
di ko mabasa   ang laman ng kanyang titig
di ko matukoy kong
saya
suklam,
galit
o tuya!

may pumatak na luha sa kanyang mga munting mata
pababa iyon sa munting pisngi
nakikiusap marahil ang mga luha niya
na ang lason konmg pag-ibig 
supilin na
di dahil para sa kanyanag ina
sa malayong bayan nagpapalila
kundi para sa pangarap niya
para sa kinabukasan niya

hindi ako makatitig........
nanghina ako
nalito
at napansin ko na lamang na ako'y umiiyak..



Jesus' Love

jesus' love is like a river
silently flowing forever
his love is the bloom of flowers
in the smiling day of summer
his voice is the song of Maya
serenading my sleeping little Ana.

Sunday, December 11, 2011

Maghimaya ka Maria

Maghimaya ka Maria......

Uno san tuom mong pangadyion
Na gurogab-ing mong linilitanya?
Uno san butang na da sawang mong inurootro
Dinodorodoble hangang ika mapagal?

Maghimaya ka Maria.......

Sa kamot mong  korondot na
Uno san kinakaptan mong pagtubod
Na kun masaki kang mapaggisung
Abu na otrong paturogon?


Maghimaya ka Maria......

Sa gurogab-ing mong pagpatinti
Uno a nakukuo mo?
Sa  padagos mong nagngungurob-ngurob
Ngata nasimbag su mga unga mo?
Ngata nag-abot na so inuulat mo?

Maghimaya ka Maria......

Sa kapagalan ka awak na dara ka pagtios
Dara ka kagurangan ag kailangan
Mabulong raw ka patinti san ki Maria
O kaya marungog raw a inoorootrong mong
Maghimaya ka Maria?


Friday, December 9, 2011

lam-awan damulag

ading kinaban
lam-awan damulag
na itinatagu ka mga bilding
na kalansay
na nag-uurunaan paitaas
itinatagu ka mga asu sa tambutso
na una mo panganuron
na gusto tang abutan ko kita sadit pa...

sa irarom ka mga laboy
nakatalbong su mga paon
na kun kita mapadagso
o madarang maglalao
matutubong kita
o kaya matatalbong na pairarom
sa mga lamud
ag manamitan ta a namit kading kinaban
dagos diri na maka-angos
o makabutwa....

lam-awan damulag ading kinaban
na inadornohan sa mga plastik na burak
pinapasilaw ka mga silyab
ag kimat ka mga brilyante
na diri makaon
diri man makakasalbar
diri makatutugbong o makapapaaba sa buhay
diri man makapaparani kanako
sadto tawong gusto tang maranyan.......









pagtubod

diri ako pagtistinga  ading pagtubod
sa kulog   ka kamatean
o sa  awak na kinurumtan pagsakit
ta a agrangay
ading ugong
ading pag-aray
mumusikahon kun
a kabalyo uda katapusan na katuninungan
sa kaiba mo...


diri ako migsuko
dawa ako gurogab-ing magtangis
kung  tinuyo ading namamatean ko
tanganing padagos na maparani kanimo
kakayanon ko
aatubangon ko
kaya aakuon ko.......

bolpen

ta ngata da ibang ising isurat
ading bolpen ko kundi ngaran mo?

uno sa ngaran mo agko
na tuom kading bolpen ko?

ngata uda ibang makurit
kadi bolpen kong sadit

kundi puro lalawgon mo
uno sa lalawgon mo agko
na di nalilingawan ka ding bolpen ko?

una ko ako sana a namumuot kanimo
karibal ko man palan ading bolpen ko!

Monday, December 5, 2011

El Querida



Pag-ibig ko ay lason
Magpapahina
Sa mga pader at haligi ng templo
Tutupok sa pedestal
Magpapabagsak
Wawasak
Sa mga bintana
Pintuan
Bubong at  higaan.
Buhanging biglaang papasok
Sa mga mata
Mahapdi
Masakit
Magpapaluha     
Patawarin ako
Tao lang na nagkamali at binulag ng sakim na pag-ibig
At pagnanasa…..

Sunday, December 4, 2011

You are a rose

You are a rose in the garden of  my life
You are the flower that makes my life lively and gay
You are the beauty that sprung in my dream
Your name is sweet melody
Played by the amihan wind.
Your kiss is elixir to my weak and dying hope.
And when you touched me
Nothing I can wish.....

Bugas



Bugas
tatakadon ka
ilalatag sa nigo
tatahopan
pipilian batiris ag tupasi
duwang beses kang sasawsawan
aalion a kanimong ati
susukulon a tubig
Saka isinalang
ag hahatulan
ka diyos.....





Under de Saya

Babae: Pahingi nga ako ng singkwenta dyan!
            O ba't nakasimangot
            Singkwenta lang hinihingi ko.......


Lalaki:  Hindi ako tumatae ng pera,
             naiintindihan mo!




Babae:  Bwisit ka talaga,
            Di mo na nga naibibigay ang layaw ko
            Singkwenta lang pinagdadamutan mo pa ko......






Lalaki: Para ano ang singkwenta ipansugal!
           Nakakapagod kayang magtrabaho
           Kung gusto mong magkasingkwenta magbanat ka rin ng buto!




Babae: Ah ganon singkwenta lang di mo maibigay mabuti pang maghiwalay na tayo.....




Lalaki: (Nabigla)Huwag naman.....o may isangdaan ako rito
           ibibigay ko sayo.....


Babae: Dami kasing satsat bibigay rin.....


Lalaki:(Litseng buhay to under de saya na naman ako

si gina


Ngayon ko lang narealize na mahirap pa lang maging single mother
Pagkaumaga iniisip ko
Saan kaya ako kukuha ng pera
Para sa gatas ni Kyla
Para sa project ni Marl
Wala naman akong trabaho
Akala mo, minsan parang mababaliw na ko
Gustong sumigaw....gusto kong tumakbo
Ang dami ko nang utang
I dunno wer ako kukuha ng pangbayad...
kahapon natalo yung kaunting pera ko sa binngohan
malas talaga.......

ibulong mo

sa pader ng pagluksa
ibulong mo ang iyong elihiya
ang panimdim, ang hinanakit
at baka marinig taingang nabara......

Plant vs. Zombie

Sa pagbukas ng pahina ng panahon
Kasabay ng pagsilip ng kinang sa silangan
Ay ang pag-atake ng mga zombie
(na tila di nila ala ang kanilang ginagawa)
Tuwid na tuwid ang kanilang mga kamay.
Ang mala-wendol at mala-morlock na kanilang aura
ay napapanginig sa plant at mga puno.


Sukbit ng mga zombie ang pangil
Na kung itarak ay nakakalason,nakakamatay
Ang awit ng kanilang pangil ay punog-salita
ng mga libro ng hilahil at kalungkutan.


Kasabay ng alulong ng mga punong pinugutan ng leeg
at pinutulan paa
ang pagkisay-kisay
ng mga zombieng nangatuwa sa krimeng ginawa....



Punit-punit na nga ang puso ng mga zombie
at frozen na ang kanilanng utak
at ayaw nang ipatalikmi
sa pukpok ng martilyo ng pagtanto ng katotohanan.....


Paminsan-minsan nanalo ang zombie
Subalit di pa rin pagagapi ang mga plant at puno
na kakampi ang daluyong ng kalamidad........
Sa isang nga sapak lang tsunami
ay namumutla na ang mga zombie
At ang isang suntok ng bagyong signal number 3
ay tila benditadong tubig
na tumutunaw sa kanilang lakas.

Mamimingwit sa net


Ritwal na niya ang paglamas-masok
labas-pasok, pasok-labas.....
Marahang pagpindot-pindot
sa malambot na bukol ng makinang iyon
na bumibilis dala ng bugso ng damdamin
at excitement.


Kinabisado na niya ang lugar na iyon....
na hindi niya kayang pagsawaan
mula umaga, tanghali pati gabi.......
mula gabi, tanghali pati umaga.......
kung pwede lang lang hanggang mag-umaga pa uli.


Lulunurin pa niya ang kanyang sarili
sa lugar na iyon.
Ay! Sambulat niya ng makapasok na siya......


Sakto!
Naka-online na ang tatlo niyang chatmate
Isang Kano, Australyano at German,
Sino kaya sa tatlong ito ang mabibingwit ko
Bulong niya sa kanyang sarili.....

Itinutulak ako ng hangin

Itinataboy ako ng hangin palayo sa lugar na iyon....
ayaw sa aking ipasulyap ang nakapaskil sa bulletin board,


Di ko alam at tila nawalan na rin ako ng lakas na sumagupa


Masakit man sa loob, kailangang humakbang palayo.

bagaman hindi pagtalikod at pagtakas
may halik pa rin ng hapdi ay isang ligayang tatalikuran
dahil sa pagdatal ng takdang panahon ng paglisan.

Iba ang pakiramdam...tila panghihinayang
o tila naunsiyaming saya 

na isinupling sa kwadradong  yaon.
Na naging pugad at kandungan ng malayang karunungan
mula sa labi at tinig ng mga inosente at may alam
umpugang bumuo ng daan ng pag-ibig
sa katotohanan.

Ang  mga nakapaskil at tila bumabalik sa aking balintataw

nauulining ko rin ang hagikhikan at tawanan
sa dapyo ng hangin
ang lungkot sa buntung hininga ng mga pader 
at pasilyong aking tinatahak



Mabigat man sa puso pasalamt na rin
at minsang naging aktor ako
sa entabladong yinakap at hiniram ko sumandali

entabladong katuparan ng apat na taon ng pagsusunog ng kilay
upang magpunla ng karunungan sa musmos na kaisipan.


Itinutulak ako ng hangin palayo sa lugar na iyon.
At ayaw sa aking ipasulyap ang nakapaskil sa bulletin board.
kahit ako pa nga ang gumawa at nagdisenyo noon.....

Si Nanay Dora

Sino ang kasama mo?
Buti naman at binisita mo ako!
Sino ang kasama mo?
Wala ka ba diyang pera pwdeng makahiram?
Mahirap na kasi itong matanda na.
Alam mo lagi akong nahihilo,
Natatakot nga akong baka mahulog ako sa hagdan
Kanina lang nagdilim ang paningin ko
Buti na lang nakahawak ako
Sino ang kasama mo?
Ah saan ko ba nailagay ang inhaler ko
Ano nga yung dala mo?
Maya-maya kakainin ko yun.
Paminsan-minsan dumito ka naman
Para malaman mo kung humihinga pa ko o hindi na.
Kahit isa sa isang buwan okey na yun.
Uuwi ka na?
Dahan-dahan ka diyan sa daan,
Kapag may magsitsit huwag mong intindihin
Deretso ka lang ha.....
Pahiram naman ng pera ibibili ko kasi ng posporo
Sino nga ang kasama mo?
Dahan -dahan ka sa daan.
Bisitahin mo lagi ako
Mahirap ang laging walang kasama.

Lukso ng dugo

Ginahasang isipan......
Minantsahan ng poot......
Pusong binato......
Na ang mga neuron ay mumunting halimaw
na sumisigaw ng pagkasuklam..........


at nangilid
namalisbis
tumulo't
bumagsak
ang aking luha.......



at natanto ko na hindi lahat ng bagay nawawala,
nasusunog,
nalilimot
natatago
at isa na roon ang lukso ng dugo.....

sa karamihan

sa karamihan ng marami
ni walang tumulong......
naliligaw na't 'di mahanap ang daan
tinalikdan pa't pinagtawanan.....


mabulag na ang lahat ng mata
huwag lang sana ang puso ninyo.....
malanta na ang lahat ng dahon
huwag lang ang awa ninyo......


estatwa si nena


estatwang itinuturo ang malayo......
di matukoy kung ang nakaraan
o ang paparating
kung silangan o kanluran
kung timog o hilaga.........

umiiyak si nena na noon ay pito......
na naliligaw sa siyudad
ang mga sasakyan ay paroo't parito
pakaliwa pakanan
paliko sa mga eskinitang nagliliitan.....


estatwang itinuturo ang malayo......
di matukoy kung ang nakaraan
o ang paparating
kung silangan o kanluran
kung timog o hilaga.........


estawang sumasayaw si nena na ngayon labingpito
sa entablado ng aliw
hubo't hubad na pinagnanasahan
ng mga asonmg ulol
at siya ay naliligaw pa rin sa mundo..........

bulaklak sa pugad ng mga taksil


......bulaklak sa pugad ng mga taksil
......balaraw na tumarak sa isang ina
......na ibinitin ang sarili
......habang namamalahaw ang apat na yagit na anak
......na itinalukbong ang kumot ng pagkatakot.........

bitay

tatlong kaluluwang naghihintay ng bitay
pasalubong chicharong bulaklak
sa halik ng kamatayan

Saan sa ulap?

Saan sa ulap?
Saan sa kandungan ng mga tala,
ng mga kometa, ng mga alitaptap,
naroon ang pag-ibig mo?
At 'di ko mahagilap, at 'di ko maramdaman.


Patay na nga ningas!
Patay na ang init na umagos noon
sa ugat ng pag-ibig.
Pag-ibig,.....unang pag-ibig..
akala'y walang kamatayan
Pero tanggapi't hindi
Namamatay at namamatay.......

kalupitan

Nakahilata ang halat...
Walang buhay..
Obra sa mata ng kasaysayan
At sa dahon ng panahon
Na bubuklatin ng mga mapanuring mata
Pagdating ng silahis na ipapanganak pa lang!


Tila mga mumunting ilog and mga dugong umagos
Sa tigang na lupa.....
Sa lupang ni pinatakan ng awa
At mga yabag ng kamatayan
Ang alulong ng mga bulkan
Na nagdadalamhati sa kung ano 'di batid ang dahilan
mga tansong pinagpipingki
pinaghahampas.......
Prusisyon at konsyerto ng digmaan
Ng mga indayog ng pagpatay
Kabayanihan nga sarili...
Ha! Ha! kabayanihan ngang tinutuya!

Umuuusok ang mga bundok
Dinaanan ng sumpa ang paligid
Dinisenyo ang mga sirang tahanan
Na kandungan ng luha
Tila mga modelong ginawa
ang kalupitan sa pisngi ng patay na bata......

Munting Tinig

Munting Tinig,
Saan ka ba nagmumula?
At saan ka rin patungo?
Minsan tila ungol ka ng pagdurusa
At minsan ngiti ka sa mata.
Minsan tila bulong ka at buntong-hininga
At minsan taginting ka ng pagtawa.


Munting tinig,
Saan ka ba nagmumula?
At saan ka naman patungo?
Minsan tila sibol ka ng bulaklak
At minsan hapdi ka sa lakas ng patak!
Minsan tila kumakaway ka at namamaalam
at minsan ipinapanganak ka ng mga titik at parirala.


Munting tinig!
'Di nga batid ang iyong pinagmumulan
At iyong patutunguhan
Sapagkat nagmumula ang lahat
Sa walang pinagmumulan......

Hindi mo kilala......

Hindi mo kilala ang sarili mong tinig!
Sumisigaw ka noon subalit walang makarinig
Ni ang sarili mo ay di mo marinig!
At hanggang ngayon ay sumisigaw ka pa rin!
At wala sa iyong makarinig!
At hindi mo pa rin naririnig ang iyong sarili!


Hindi mo  kilala ng sariling mong buntong-hininga!
Samantalang simulat-sapol ng unang uha

Ika'y humihinga na !
Di mo nga kilala ang iyng sarii!

Taludtud

Sinipi ko sa mga taludtud ng mga tula
ang hininga ko ngayon,
pinagdugtong-dugtong kong tulad ng mga pisi
ang mga titik....
ang mga salita....
ang mga parilala....
at binuo ko sa pahina ng buhay ang aking sarili........
at ako'y naging tulang yinapos ng pangarap at pag-asa...

Pulang Marka


















Pulang marka....
Pulang marka ba ang tanda ng pagbagsak
Pagbagsak ng pangarap......
At pagguho ng panahon?


At namutla ka at 'di na tinalunton
Ang daang may halik ng pag-asa
Binulag ka nga ng liwanag
At karununga'y ni makita sa palad.


Hakbang........
Humakbang ka sa lupit ng daan,
Lupit ng kalupitan
At pighati ng kapighatian.


Taluntunin mo ang daan
Daang pinili ng lugmok na isipan
Ang buhay nga isang laruan
Kaya iyong pinaglaruan.



Gapang..
Gumapang ka......
Imememorya mo ang lahat ng uri ng paggapang
At kung alin ang maginhawa
Piliin na lang...



At kung magising ka isang gabi
At natanto ang pagkakamali
At ang puso'y puno ng pagsisisi
Huwag nang hintaying mag-umaga...
Bumangon na at piliting maituwid pa.....


At kung sakaling huli na
Ang kamalian ay huwag ng ipamana
Putulin na at gawing salamin
Upang mga anak huwag ng pamarisan mandin....

Pusikit na Karimlan

Isa....dalawa......tatlo.......
Tatlong unday ng kamatayan  ang kumitil sa isa na namang buhay. Nanginginig pa niyang binunot ang kutsilyong nakabaon sa dibdib ng wala ng buhay ng mamang nakakotse na minalas mapadaan sa eskinitang iyon.Patay na iyon, wala ng buhay.

Prrrtt! 
Prrrrt!
Tila bumalik siya sa katinuan, at dali-dali niyang hinablot ang pitaka at cellphone ng mamang wala ng buhay at walang lingon-lingon na siyang kumaripas ng takbo.

Liko dito....... 
Liko roon........
Di man sabihin kabisado na nga niya ang iskinitang yaon, ito  na ang naging saksi ng kanyang paglaki. at di man direktang sabihin bahagi na ito ng sikolo ng kanyang buhay......buhay kriminal.......suhay mamatay tao....salot sa lipunan  kung ituring. Saksi rin ang mga eskintang iyon sa kamatayan ng kanyang ama na isang gabi bigla na lamang pina-ulanan ng bala. Ang sabi ng  mga pulis sa kanyang inang biglang sumugod sa punerarya napagbintangan lang daw  ito at inakalang magnanakaw. Minsan mapanghusga talaga ang  mukha ng batas.

"Tiyak na di na ako masusundan ng mga parak na iyon" bulong niya sa kanyang sarili. Tiningnan niya ang  pitaka, umbok iyon malaman. Tiyak di na ako gugutumin sa ng ilang araw. 
Biglang


Pero isa pala iyong malaking pagkakamali......pagkat nasundan siya nito at huli na pagkat wala na siyag malilikuan. Para siyang sisiw na nahulog sa trap-door na wala ng pwedeng pagtaguan.

"Sumuko ka na!"

"Itaas mo ang iyong kamay, kung hindi babarilin ka namin." Tila nagbabantang tugon ng mga pulis.

Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang mga kamay...
"Putang-ina!" bulong niya, "makukulong na naman ako". Pang-ilan na nga ba niya itong mapapasok sa kulungan ahhhh marami na.... di na niya mabilang......


Wala na nga siyang nagawa.....marahas na hinablot ng pulis ang kanyang kamay at sabay posas. Parang dumilim ang paligid hindi na niya maaninag ang mga mukha nito. Ano ba iyong tumama sa kanyang batok......marahil punglo ng baril.....aramdaman na lamang niya na kinakaladkad na siya patugo sa mobile patrol at tila isinalya siya papasok......

itutuloy.........

Mayon Volcano Eruption

Ginising ka mula sa pagkakahimbing
Ng mga anunsiyo't pangangampanya
Ng mga pulitikong nais magpabango.
Ng mga awit ng gusgusing bata
Na sa kalye ay nangangaroling.
Ng mga hikbi at panangis 

ng mga kaluluwang pinaslang ng walang hapis.
Ng lakas ng bulyawan at argumento
At walang katapusang debate sa kongreso
Ukol sa Martial Law.
Ng mga dalagitang  humihingi ng hustisya
Sa panghahalay, pangbababoy sa kanila.
Ng mga uha ng fetus  'di na marinig
na nakasupot sa basurahan.
Sumiklab ang iyong poot,
Dumaloy ang mainit na likido
Dinaana'y nasunog, naabo.


12/2009

karimlan

Niyanig ang lupa
Ng iyong galit
Nangatakot ang panggabing ibon
Nangatulala ang mga puno
Walang umimik
Lahat nakiramdam
Unti-unting bumigay ang aking katinuan
Dumausdos pababa
Pababa ng pababa
Tungo sa kawalan
Bog!
Wasak-wasak na tumilasik
Ang basag kong katawan
Ni hindi ko na naaninag
Ang liwanag
Lumukob ......lumukob sa akin ang karimlan
Gumuho ang aking pag-asa

pag-asa

pag-asang na kinumuyos ng yayating palad
palad na dumukal ng mga salita at titik
titik na nag-apoy, nagliyab, at naging karunungan
karunungan pumigtas sa pang-aapi at kahirapan
kahirapan gumapos sa mga paa kaya tinalikdan upang mabuhay
mabuhay ng matiwasay at ng may dangal
dangal na hinubog sa pagsisikap at pawis
pawis na ginawang tulay ng kalayaan
kalayaan na mabuhay sa lipunang ito.

Isang tasang bula

Isang tasang bula
Maganda lang sa tingin......
Nanloloko lang sa paningin.....
Magandang paglaruan
Pitik-pitikin....
Subukan mong tikman
Ang pait ng katotohanan

Ang buhay ay isang tasang bula
Maganda lang sa simula
Maganda lang kung ika'y musmos na bata
Pagpumutok na ang kinang
Pasanin na bigat ng mundong luhaan
At tikman na ang pait ng katotohanan....


Oh! Bula bakit ang buhay kay ikli
Matusok puputok......
Kisap matang tuwa...
Kisap-matang himala...
Kumilos na bago maging luha ang bula...