Oktubre na! Tapos na ang anihan, nagsisimula na namang araruhin ang mga palayan. Ang iba nama'y halos dalawang dangkal na ang tubo ng palay. Subalit karamihan sa mga nagsasaka ay hindi na makapagtatanim lalo na yaong nasa kababaan. Binabaha kasi, kaya nabubulok lang o kaya kinukuhol lang ang punlang palay.
Malayo ang tingin ni Jun tinitingnan ang naudlot at nabubulok na bulaklak na sugbo(tambo) ito sana'y kakawitin niya at gagawing walis-tambo pero waala na bulok na ito. Ang iba nga niyang kapitbahay ay nagdadayo pa sa kalapit na lalawigan upang manguha ng tambo, wala siyang pera pang-pamasahe kaya wala...balita niya mahina rin ang pamumulaklak ng tambo, epekto na marahil ng lupit ng hagupit ng nakaraang bagyo.
Samantala, sa paaralan abala ang mga guro sa pagpapalinya sa mga mag-aaral. Pinapatayo nila ito ng tuwid dahil magrorosaryo. Nang tumunog na ang buzzer handa na ang lahat sa paglitanya at ang mga misteryo ay paulit-ulit na binubulong at ang iba'y mali-mali. "Hill mary full of grease.......Ang iba'y tatawa o maghahagihikan at ang mga pilyo nama'y panay ang kwentuhan. Kaya lalapitan ng guro at tatabi sa mga pilyong bata titigil ang mga ito sa paghagikik at pagkwekwentuhan. Subalit sa pagtalikod ng guro balik na naman. Sssshhhh ! Saway ng guro. Hay salamat tapos na ang rosaryo!
Silipin natin ang mga kabahayan. Hayon si Karen abala sa paglala ng mga ginupit na retaso binili kahapon sa ukay-ukay mamiso daw ang damit, ginagagwa niya itong basahan. Maingat niya itong nilalala, trenta y singko pesos bawat isa noon buti na raw iyon at mapagkakakitaan kahit mahina ang bentahan. Tagaktak na ang pawis niya pero okey lang daw yon ag mahalaga maipong pambili ng pagkain upang makaraos sa pang-araw-araw.
Sa bahay nina Mang Lito abala ang mga kawatan sa pagpaparter at sa pagtatali ng walis tambo. Ang iba'y pinapalambot ang dulo sa pamamagitan ng pagpapalo rito ng bakal bago tahiin. Pabilisan ang mga kawatan, naroon rin si Aling Dina asawa ni Lariong mahilig sa sabong kahit walang pambili ng pagkain. Piso kada kumong pinarter "Okey na yon kaysa matulog" aniya ni Aleng Dina, "may pa-isnack namang na kape at tinapay."
Kung mabilis ang paraparter kaya niyang makaisang daan sa magdamag. Sinasabayan na lamang na lang kwentohan at tawanan pampaaalis ng antok. Minsan magkakapikonan kaya meroong magwawalkout pagkaraa'y babalik naman.
Ah! ganito ang Oktubre rito sa probinsiya taghirap kailangna lagi ng perang pambili ng bigas lalo na't ubos na rin ang naitabing sako g palay, pero nakakaraos rin.

No comments:
Post a Comment