Sunday, December 4, 2011

Itinutulak ako ng hangin

Itinataboy ako ng hangin palayo sa lugar na iyon....
ayaw sa aking ipasulyap ang nakapaskil sa bulletin board,


Di ko alam at tila nawalan na rin ako ng lakas na sumagupa


Masakit man sa loob, kailangang humakbang palayo.

bagaman hindi pagtalikod at pagtakas
may halik pa rin ng hapdi ay isang ligayang tatalikuran
dahil sa pagdatal ng takdang panahon ng paglisan.

Iba ang pakiramdam...tila panghihinayang
o tila naunsiyaming saya 

na isinupling sa kwadradong  yaon.
Na naging pugad at kandungan ng malayang karunungan
mula sa labi at tinig ng mga inosente at may alam
umpugang bumuo ng daan ng pag-ibig
sa katotohanan.

Ang  mga nakapaskil at tila bumabalik sa aking balintataw

nauulining ko rin ang hagikhikan at tawanan
sa dapyo ng hangin
ang lungkot sa buntung hininga ng mga pader 
at pasilyong aking tinatahak



Mabigat man sa puso pasalamt na rin
at minsang naging aktor ako
sa entabladong yinakap at hiniram ko sumandali

entabladong katuparan ng apat na taon ng pagsusunog ng kilay
upang magpunla ng karunungan sa musmos na kaisipan.


Itinutulak ako ng hangin palayo sa lugar na iyon.
At ayaw sa aking ipasulyap ang nakapaskil sa bulletin board.
kahit ako pa nga ang gumawa at nagdisenyo noon.....

No comments:

Post a Comment