Tuesday, December 13, 2011

sa mga mag-aaral

paulit-ulit kong ipinapangaral
sa aking mga anak na  sa likot ay sakdal
ang subtansiya ng pag-aaral.
Pakiusap ko'y makinig  sa itinuturo
sapagkat ang  landas ng buhay ay biko-biko
at kung hindi handa ang utak at puso
baka sa dagok ng buhay madaling sumuko
akin pong itinatalastas
na ang inang nagpasuso ng gatas
hangad ay anak na pantas
hindi iyong sa pera ay nagwawaldas
o kaya nagsasayang ng oras
at sa computer shop nagpapabukas
upang sa pag-aaral at gawaing bahay ay umiwas.
kayamanan ang batang masipag
tiyak pa ang bukas na maliwanag.

tingnan iyong kabataang  sa magulang  di nakinig
nagsisisi at  di makatitig
umiiyak ang garalgal na tinig
pagkat sa mundo puno ng bitag
sila'y  aninong nalalagalag
pakiusap ko po'y paligayahin
ang mga butihing magulang natin
lalo na ang amang  matiyagain
sa pagbubungkal sa bukirin
upang tayo'y pag-aralin
Makinig po lagi sa gurong mahal
pagkat pinapanday nila ang inyong asal
itinuturo nila  ang pag-ibig na bukal
sa kapwa at sa diyos na banal
tandaan lagi na ang kamangmangan
ay kasalanan sa diyos at sa lipunan.

titser jomark

No comments:

Post a Comment