Thursday, December 29, 2011

dalampasigan ng pantao

Malayo ka't bihirang marating
sa dalampasigan mo naman  ako'y nahumaling.


Sa imbay ng iyong mabining alon
Ang puso't isip napapahinahon.


Sa pagyakap ng malamig mong tubig
Pumalis ng takot sa paa kong nanginginig.


Sa dapyo ng hangin mong malamig
Bumalong muli sa dibdib itong pag-ibig..


At sa pagdaong ng  munting bangka
Sa dalampsigan hinimala
Mga hinanakit ay unti-unting ng  nawawala.


Rinittwal ang  paghalik ng haring araw
Sa kagandahan mong di natutunaw.


O Pantao sa mata ng estranghero
Kagandahan mo'y sa puso'y kwinadrado.

No comments:

Post a Comment