Sunday, December 4, 2011

Pulang Marka


















Pulang marka....
Pulang marka ba ang tanda ng pagbagsak
Pagbagsak ng pangarap......
At pagguho ng panahon?


At namutla ka at 'di na tinalunton
Ang daang may halik ng pag-asa
Binulag ka nga ng liwanag
At karununga'y ni makita sa palad.


Hakbang........
Humakbang ka sa lupit ng daan,
Lupit ng kalupitan
At pighati ng kapighatian.


Taluntunin mo ang daan
Daang pinili ng lugmok na isipan
Ang buhay nga isang laruan
Kaya iyong pinaglaruan.



Gapang..
Gumapang ka......
Imememorya mo ang lahat ng uri ng paggapang
At kung alin ang maginhawa
Piliin na lang...



At kung magising ka isang gabi
At natanto ang pagkakamali
At ang puso'y puno ng pagsisisi
Huwag nang hintaying mag-umaga...
Bumangon na at piliting maituwid pa.....


At kung sakaling huli na
Ang kamalian ay huwag ng ipamana
Putulin na at gawing salamin
Upang mga anak huwag ng pamarisan mandin....

No comments:

Post a Comment