Sunday, December 4, 2011

Pusikit na Karimlan

Isa....dalawa......tatlo.......
Tatlong unday ng kamatayan  ang kumitil sa isa na namang buhay. Nanginginig pa niyang binunot ang kutsilyong nakabaon sa dibdib ng wala ng buhay ng mamang nakakotse na minalas mapadaan sa eskinitang iyon.Patay na iyon, wala ng buhay.

Prrrtt! 
Prrrrt!
Tila bumalik siya sa katinuan, at dali-dali niyang hinablot ang pitaka at cellphone ng mamang wala ng buhay at walang lingon-lingon na siyang kumaripas ng takbo.

Liko dito....... 
Liko roon........
Di man sabihin kabisado na nga niya ang iskinitang yaon, ito  na ang naging saksi ng kanyang paglaki. at di man direktang sabihin bahagi na ito ng sikolo ng kanyang buhay......buhay kriminal.......suhay mamatay tao....salot sa lipunan  kung ituring. Saksi rin ang mga eskintang iyon sa kamatayan ng kanyang ama na isang gabi bigla na lamang pina-ulanan ng bala. Ang sabi ng  mga pulis sa kanyang inang biglang sumugod sa punerarya napagbintangan lang daw  ito at inakalang magnanakaw. Minsan mapanghusga talaga ang  mukha ng batas.

"Tiyak na di na ako masusundan ng mga parak na iyon" bulong niya sa kanyang sarili. Tiningnan niya ang  pitaka, umbok iyon malaman. Tiyak di na ako gugutumin sa ng ilang araw. 
Biglang


Pero isa pala iyong malaking pagkakamali......pagkat nasundan siya nito at huli na pagkat wala na siyag malilikuan. Para siyang sisiw na nahulog sa trap-door na wala ng pwedeng pagtaguan.

"Sumuko ka na!"

"Itaas mo ang iyong kamay, kung hindi babarilin ka namin." Tila nagbabantang tugon ng mga pulis.

Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang mga kamay...
"Putang-ina!" bulong niya, "makukulong na naman ako". Pang-ilan na nga ba niya itong mapapasok sa kulungan ahhhh marami na.... di na niya mabilang......


Wala na nga siyang nagawa.....marahas na hinablot ng pulis ang kanyang kamay at sabay posas. Parang dumilim ang paligid hindi na niya maaninag ang mga mukha nito. Ano ba iyong tumama sa kanyang batok......marahil punglo ng baril.....aramdaman na lamang niya na kinakaladkad na siya patugo sa mobile patrol at tila isinalya siya papasok......

itutuloy.........

No comments:

Post a Comment