(sa iyong ika-115 na kamatayan)
ipinakilala ka sa amin
simulat sapul
ng aming guro
subalit di ka namin nakilala ng lubusan
di dahil kahapon ka
at ngayon kami
di dahil sa tinitingala ka
at tinatapakan kami
mas lalong di dahil sa matalino ka
at mangmang kami
kundi dahil ipinakilala ka sa amin
bilang isang nilalang na perpektong nabuway
na di magagaya.....
No comments:
Post a Comment