Wednesday, December 14, 2011

sampung munting daliri

sampung munting daliri
nagtutuluingan palagi
sa paglilinis ng bahay
o sa pagtatanim ng gulay
sa pagbubuwat ng mabigat na bagay
upang iabot kay inay
sa pag-iigib ng tubig
na panghugas at pang-dilig
at sa pagpupunas ng sahig
bukal sa puso't walang bahid
sa pagligpit ng kinainan.
o sa paghugas ng pinggan
sama-sama at nag-aawitan.
sampung munting daliri
galit sa tamad at maramot
at ayaw rin sa mga batang madamot
kay misyon nila
maging modelo at mga kuya
na magtuturo sa bawat isa.

sampung munting daliri
masisipag at magagalang parati
nagmamano at nagbabati
sa sinumang makasalubong sa pag-uwi
sa pagtulong di nangingimi
pagkat alam nilang ito'y yaman ng budhi
kaya ang mabigat na panggatong
nagiging magaan pagtulong -tulong
awit nila  pa nila habang gumagawa
"ang sampung munting daliri
sa pagtulong di mangingimi
pagkat ang diyos na lumikha
sa gawang mabuti'y natutuwa"
kaya sila'y laging sama-sama
laging nagsasamang masaya.







No comments:

Post a Comment