Sa aming munting pamayanan
Lahat kami ay nagtutulungan
Pagkat layon namin ay kaunlaran
Pagkakaisa at kapayapaan.
Yamang likas na aming pinagkukunan
Maingat na ginagamit at pinapangalagaan
Mga pinutol na puno agad pinapalitan
Pagkat sa darating na henerasyon ito'y laan.
At ako bilang musmos na bata
Tumutulong sa munti kong paraan
Pagtatapon ng basura kahi't saan
Gawaing aking nang iniiwasan.
No comments:
Post a Comment