Monday, December 12, 2011

sulat mula baao

lumaban ako
tumakbo, lumayo, tumakas
pilit akong nagpumiglas
at kumawala sa nanakop na damdamin
lumimot sapagkat di na maibabalik ang isang kahapon
subalit bigo ako
sapagkat napansin
ko na lamanag na tinatahak ko ang daang pabalik
sa piling mo
alam kong lason ako
asidong sisira sa pangarap 
sa buhay
sa bukas
pero di ko magawang tumiwalag 
sa dikta ng isip at pagkamakasarili
subalit mali ba ang ibigin ka
at mali rin ang ibigin ako
hindi ko kayang kumawala
sa brasong mong kulungan
tinutunaw nito ang lahat na pagtanggi ko
ng pag-ayaw
talo ako..
alipin mo ako
sunod-sunuran  at di magawang tumutol.....

kahapon nakatitig sa akin 
ang anak mong walong taong gulang
di ko mabasa   ang laman ng kanyang titig
di ko matukoy kong
saya
suklam,
galit
o tuya!

may pumatak na luha sa kanyang mga munting mata
pababa iyon sa munting pisngi
nakikiusap marahil ang mga luha niya
na ang lason konmg pag-ibig 
supilin na
di dahil para sa kanyanag ina
sa malayong bayan nagpapalila
kundi para sa pangarap niya
para sa kinabukasan niya

hindi ako makatitig........
nanghina ako
nalito
at napansin ko na lamang na ako'y umiiyak..



No comments:

Post a Comment