ako'y nalulungkot saka nagtatampo
sa mga tao at pati na sa mundo
pagkat ang malawak na daigdig ko
ay ang sumunod sa pitik ng latigo
mata ko'y tinakpan para ng binulag
at sa mga kalye wari'y lagalag
sumusunod sa bawat wigtik
sa bawat hila sa bawat tapik.
di nyo ba kahit minsan naisip
na pag walang pranela at piring na takip
mas akong kapakipakinabang.
aking kutsero sana alalahanin mo
na kahit ako hamak na kabayo
may kaligayahn ring nais na matanto
may puso't damdamin ring tulad ng sa tao
may pangarap rin makatakbo
hindi sa mga kalsada kundi sa mga damo
at higit sa lahat ay may buhay rin
na naghahangad na pahalagahan at mahalin
sana marinig itong hinanakit
pagkat wala akong pinagkaiba sa nakapiit
na may buhay nga subalit patay....
No comments:
Post a Comment