Thursday, December 15, 2011

kinaliwa-kinanan

di ko alam kung bakit ako'y nasasabik
sa pagdatal ng gabing tahimik
at ang mga  tukso ng  bituing sumisilip
sa aki'y ayaw magpaidlip.

tinatawag ako ng kakutsaba kong buwan
pinapabangon sa aking higaan
at hahakbang ako ng marahang-marahan
palabas sa tumututol na pintuan

tatakbuhin ko ang piping parang
ng walang kaluskos  at agam-agam
pagkat ang layon ay  marating at matanto
ang lihim na tagpuang puno.

marahil sabik na   ika'y makaulayaw
sa piling ng mga damong sumasayaw
at malayo pa man akin nang inaaninaw
ang anino mong sa pag-ibig ko'y uhaw.

ikukulong mo ako sa iyong braso
saka maglalakad na magkahawak kamay
ating nanamnamin ang hiram sandali
sa parang na ating pinipi.

sa madaling araw ako'y uuwi
na punom -puno ng ngiti ang labi
papasok sa nasusuklam na pintuan
at dahang dahang  tatabi sa asawang kinaliwa-kinanan.





No comments:

Post a Comment