Pag-ibig ko ay lason
Magpapahina
Sa mga pader at haligi
ng templo
Tutupok sa pedestal
Magpapabagsak
Wawasak
Sa mga bintana
Pintuan
Bubong at higaan.
Buhanging biglaang
papasok
Sa mga mata
Mahapdi
Masakit
Magpapaluha
Patawarin ako
Tao lang na nagkamali at
binulag ng sakim na pag-ibig
At pagnanasa…..
No comments:
Post a Comment