Tuesday, November 29, 2011

kumusta

kumusta....
maligayang pagbabalik sa kaluwalhatian
na tanging pandama ang nakakabatid
na tanging guni-guni na binubuhay
ng pangahas na imahinasyon
upang patuloy na maiukit ang nilalaman ng mga neuron
upang maisatitik ng pintig ng puso
at tibok ng mga ugat at pulso

halos lahat naghahanap ng katotohanan
anong nektar ba ito na patuloy nating  hinahanap
kung malaman kaya na mapait at mahapdi ang katotohanan
hahanapin pa kaya ito....
marahil oo, sapagkat ito lamanag ang magpapapalaya sa atin.
sige maglalayag tayo
sa paghahanap ng katotohanan sa  laot ng titik at salita

binigkas na

At binigkas na ang mga salita
ang salitang dahan-dahang hinugot sa kaibuturan ng puso
upang baguhin ang sanlibutan
upang baguhin ang sangkatauhan.


at binigkas na mga parilalang
hiniram pa sa dila ni Bathala
upang ang tamis ay maging lantay
tulad ng nektar ng bulaklak
na sinuyo ng mga bubuyog
at ambrosiang dinilaaan ng mga diyos ng Olympus.
upang lipulin ang itim na usok na nananagana
at nagnanaknak na sa ugat ng lipunan.



at binigkas na ang mga pangungusap
ang pangungusap na tila alingawgaw pa ng tinig ni Bathala
ng likhain niya ang langit at lupa
ang araw, ang buwan at mga tala
at ang mga pangungusap na yaon ay ito na....
ito na.......
papalabas na sa labi ng bulaklak
na hinagkan ng pag-asa....


"Tao mamuhay ka sa pag-ibig!"
"Tao mamuhay ka sa paniniwala at pag-asa!"
"Tao mamuhay ka ayon sa kalooban ng Diyos!"

Sa pamumukadkkad ng mga Kangkong

Mula sa ikatlong palapag ng gusali
Tanaw ang kangkong na namumukadkad sa rikit
Gumagapang,
Sumasamba,
Ang mga matang nakangiti
Na sa halik ng araw humihingi
Ng gabay at pag-iwi.
Busilak na puti na may kaunting lila
Kumakaway sa mga ibong naglipana
Na sa papawiri'y nagsasaya.


Bagaman malayo na ang nalakbay niya
Mula ng umusbong sa sanga
Lumilingon pa rin sa pinag-ugatan niya....

Sementadong Gubat

sa sementadong gubat
ang buga ng dragon ay usok na polyuted
ang mga malahiganteng uod ay nagpruprusisyon sa kalsada
na nagdadala ng balisa at pagkaabala.
gayundin ang mga puno ay wala ng sanga
nilagasan at inistatawa...
puro bunga ay paninda.....
butas-butas rin ang semetadog gubat....
pinatakan ng asido't lason
ang mga ilog ay naging iskinita
na taguan ng mga bampira.....
taguan ng mapupula ang mata
ang mga hayop ay laging abala
takbo rito.... takbo roon
naghahanap ng pwedeng sakmalin
naghahanap ng pwedeng sagpangin
naghahanap ng pwedeng patayin....
rinitwal na rin ang pagpatay
at pagtapon sa basurahan ng buhay....
katuwaan na rin ang pagluha
at pagdusta-dusta
at pagtapak sa asong nambabasura
at natutulog sa gilid ng kalsada


ang mga ibon dito ay makina
na ang pugad ay doon sa mansyon ng pera
doon sa galamay ng pugita
na ang malaki lang ay ang mata
kumot na rin sa sementadong gubat
ang lambong karimlan
at matang tulalang nakamulat.

Imbay

Sa bawat pag-ikot
Pag-imbay....
Pag-giling...
Pag-kembot ng mga balakang
At paglipad ng nga kamay
At pilantik ng mga daliri
Sa alapaap ng ligaya
Unti-unting nabuksan
Ang pintuan ng langit......
Pintuan ng pag-asa.........
Upang ang kakayahan
Ay maging tuntungang bato
Upang mahanap ang sariling kapalaran.
Ang sarling matagal ng hinahanap
Sa mga hakbang na naging ritmo
At indayog ng paghahanap sa sarili.........

sa anghel na di napangalanan

Ang uhang hindi namutawi
Sa labing mong munti
At ang ngiting 'di naiguhit
Sa labi mo't pisngi
Ay hiwa sa puso at pighati


Lumisan ka sa isang kisap-mata
'Di man lamang sinilayan si Ina
'Di man lamang hinagkan sina ate'tkuya
O inihian ang tuwang-tuwang si Ama.....


Marahil nga ang mundong makasalanan
Ay hindi para sa iyo anghel na 'di napangalanan.
Marahil nga ang mundong ito
Ay hindi itinakda sa iyo.....


Sige humayo ka na
Doon sa ulap pumunta
At sa kandungan ng Dios Ama
Ibulong an kasawian mo sinta.


(to the stillborn baby of Ate Chona)
(reconstruction of my old poetry)

kwerdas

Kalabitin! kalabitin!
Ang kwerdas kalabitin!

Himno ay pag-asa
Awit ng ligaya!


Lahat ay magsaya
Sa tunog ng gitara!


Sa gabing madilim
Pampalis panimdim


Kalabitin! Kalabitin!
Ang kwerdas kalabitin!


Tunog ay haplos
Sa puso'y nangyayapos.



Lahat ay maligaya
Punong-puno ng pag-asa.

tagpuang daan((sumibol kayang muli ang pag-ibig)

hi......
isang salitang minutawi ng aking dila
ng muli kaming magkita
nagtitigan ang aming mga mata
matagal iyon tila naghahanap......
hinahanap ang talulot ng pag-ibig
na matagal ng napigtas at nalanta
subalit naroon pa ang bakas
bakas ng isang kahapon
na tila dumikit nang mantsa sa kaibuturan ng aking puso
na hindi natinag ng panahon at unos....
tila umikot ang daigdig
at nakalimutan kong sa gitna pala kami ng daan
daanang binagtas rin namin noon....


kumusta!
pangalawang salitang nasambit ng labi kong lumimot sa ngiti
na nagdikitan na
simula ng araw na ako iniwang mag-isa
sa daang naging saksi ng nakaraaang pagtawa
kumibot-kibot ang labi mo
kasabay ng pagtulo ng iyong luha
luhang 'di ko matukoy kong lungkot o saya
umagos iyon sa pisgi mong noon ay hinahaplos ko
halos walang nabago sa iyong anyo
ikaw pa rin ang babaeng una kong minahal
minamahal.....at pakamamahalin



naaalala mo pa ba ako...
huling salitang naisip ng utak kong pugad ng kalungkutan
pariralang punumpuno ng kahulugan.....
kahulugan na kong naalala mo pa ang aking pag-ibig
kahulugang kung mahal mo pa ako
kahulugang kung dumampi man lamang ako sa isip mo
noong lumipas na panahon a di tayo nagkita
..........laking gulat ko ng humagulhol ka...
at umiyak ka sa aking balikat.....

Surat ki Anel

Kumusta Anel!

Uban na baga kitang di nagkakabinayadan.
Nabaretaan ko palan na ikakasal na ika.
Sana  magi kang maogma
Sa pagbaklay mo sa buhay na agko pamilya
Naiibog ako kanimo
Ta aram kong makatotood na magbuway-buway

silahis

Isang luhang munti nalaglag sa pisgi
Pinahid ng kamay na nagdudumali.
At biglang nasambit ako'y nagkamali
Daang napili ay daang pasawi.

Kaya naman ngayon ay naghihinagpis,
Saka humihilig na gamit ang lapis
Nawa'y maituwid pangarap na nalihis
Sana'y maitayo nasa na may silahis.

Kahit nagkamali, nasubsob sa lupa
Itataas pa rin ang madungis na mukha
Upang tanggaping ako'y nagkamali nga
At tanging hangad isang bagong simula.


Liwanag ang buwan sa gabing madilim
At sumisilahis ang araw na manigning
Huni niyang ibong nasa papawirin
Pag-asa'y sisinag pag-matuwid ang hangarin.

alipato

Sa sunog nagmula't tinangay ng hangin
Dinala sa ulap at sa papawirin
Nagpalutang-lutamg hanggang sa mapagod
Bumaba sa lupa tumugpa sa puntod.

Sa patak ng ulan nagkadurog-durog
Tinangay ng agos, sinindak ng kulog.
Araw ay dumating at muling natuyo
At sa kaunting ihip ay pumaimbulog.

Sumabay sa hangin papunta sa lagim
Biglang nanalanta at saka namuwing.
Mga mata'y binulag upang 'di makita
Ang bagay na mat'wid mabuti't magaling.


Tao'y nagkagulo sino ang salarin?
Ang mga alipato na dala ng hangin
Nararapat lamang sila'y panagutin
Sa perwisyong dala sila ang singilin.

Mukha ng Kahirapan

Bata pa ako ngunit naririto
Kapiling ng kalabaw, itik at pato
Sa bawat umagang pag-asa'y dala
Lalo namang lumalayo ang pangarap na tala
Ang awit ng kuliglig
Sa katahimikan ng gabi'y tumutulig
Nananangis ang aking kaluluwa
Naghihina ang aking pag-asa...
Nais kong ako ay maupo
Sa silid na may nagtuturo
Nais kong ako'y makipaglaro
Hindi sa alaga kong hayop
Mandin sa kapwa ko tao...
Bata pa ako, ngunit ano ito?
Mukha ng kahirapan ang aking nakikita....
Takot ang sa puso ko
Namumugad ang pangamba...(To Jonel my brother)

pagababago

Sa bawat gawi mong kasamaan
Buhay ng tao ang kabayaran
Sa bawat pitik ng palalo mong isipan
Saan ngayon ang iyong patutunguhan.


Sa putik ba ng kasamaaan
O sa paraiso ng kaliwanagan
Dinggin mo ang mga nasawi
'Di ba katarungan ang hinihingi?


Nasaan na ang kosensiya mo kaibigan?
At bakit 'di ka pa magbago ng daan.
Mga gawi mong pawang kabaluktutan
May panahon pa para iyong kalimutan.....

Ningning ng Lumipas

Kaygandang malasin niyang Inang-Bayan
Lalo pa't pinunlahan ng kagandahan
At inalayan ng matamis na kalayaaan
Binusog pa ng dalisay na kabutihan.


Ngunit isang araw naghari ang sama!
mga dayuhan inangkin ang ating lupa
lahat tayo'y kinawawa't inalila
Pilipino ay siniil at inaba.


Ang bayan ay kanilang binusabos
Ang kalayaan ay kanilang ginapos.
At ang ga dakilag bayai ay lumaban
Kaya naisulat ang iyong kasaysayan.

Pilipino nakilala ang iyong angkan
Dahil sa pagtatanggol o sa iyong bayan....

Sisidlang walang laman

Maghapong nakasahod
Ang lipaking palad
Naghihintay na mahulugan ng awa...
Sa kabilang bisig
Kilik ay sangol
Na umiiiyak na sa gutom.
Nanlilimahid......
Gulagulanit.......
Ang telang pinambalot sa murang katawan.....


Sa pagdaan ng isang sinuwerteg ginang......
Na namulat sa gintong kutsara
Tumaba ang mata
Nabulag bigla....
Imbes na awa ang ibigay
Lait at punyal na sigaw ang inilay.....
Nanhihiwa....
Nanunugat.....
Nandidiri......

Oh!! Bathala hindi ba sa parehong putik mo kami nilikha
Bakit ngayon ako ay lumuluha.....

Tao....ako? Ako......tao?

Kung inuunawa lang ng tao ang kanyang sarili mas lalo niyang mauunawaan ang iba.


Sa ating buhay may bagay na mahirap malirip hindi dahil sa hindi pa ito saklaw ng ating kaisipan kundi na sa takot tayo na unawain ito.Ayon sa isang pilisopo namumuhay raw tayo ngayon ng miserable kasi kinalimutan natin kung papaano mamuhay ng tulad ng isang munting bata.....

Sa katunayan madali nating nakikita ang pagkakamali ng iba subalit bulag naman tayo sa ating sariling kamalian. Karaniwan ipinagsisigawan natin na tayo ay magaling, kahit alam nating mas magaling sila kaysa sa atin. Tandaan natin na ang pagpapakumbaba ay higit na mahalaga kaysa ano pa man. Sa katunayan si Kristo ay namuhay sa daigdig upang turuan at ipakita sa atin ang katangiang ito.

Hindi ba natin ini-isip na mas lalong bumaba ang ating moral kapag pinagpipilitang natin ang mga bagay na hindi dapat...

Karunungan

Ang karunungan ay bituing nagsabog yaman
Sa karimlan ng gabi.
Mistulang mumunting sulong
Sumisilip sa pangahas na ulap.
At ang mga nakatuklas ay nagtaka!
Sapagkat ang karunungan ay hindi matamis!
Ito'y apdong munti't marikit ang kulay
Ngunit tikman ang pait ng katotohanan.



Karunungan yaman nga ng isip-tao.
Ngunit may karunungang nagbabalat-kayo
Sumpa! Itakwil! Sunugin! Gawing abo!
Upang hindi na magnaknak sa lupaing ito
At ngayon inilalahad ko
Na karamiha sa karunungang magaling.
Ay bulag sa katotohanag isinusupling!

pasas at ubas

Pag sariwa ubas, tamis walang kupas. 

Katas malanektar, panghandog sa altar

Alak rin kung tikman, panglasing sa Adan

Kiliti sa dila, tila halik-tala

Malacognac't vodka, pangbaliw talaga

Pag tuyo na pasas, gayong 'la ng katas

Kulubot ba balat wala ng sumipat

Wala na ang kinis, wala na ang tamis

Alindog at kinis nabura, napalis

Pasya ng panahon at bagong paghamon

Tandaang ang buhay ay laging makulay



jomark m. baynado 12/29/2010

Flor Contemplacion

Mamatay, mabuhay sa pawis na tunay
'Sang kadakilaang, dapat hangaan


Sabay ng paglayo, puso'y nagdurugo
Pag asa'y linirip, pilit sinisilip.


Pagkat sa ibayo, pagluha'y inako
Sa banyagang mukha nakisalamuha.

Luha'y tanikala, dusa'y pinipiga
Oras panalangin sa malayong tingin.


Lakas 'di matinag sa isip na hungkag.
Mukha'y inaaninag sa dilim ay bihag.


Humarap,tumalikod ni walang humagod
Sa hina na ng tuhod sa pagkakaluhod!


Ang pagungulila linunok ng dila
"Kinabukasang nasa makamtan na sana"
Simula umaga bulong mo sa t'wina.


Palad nagdurugo, panaghoy sa puso.
At ang milyang layo, pasang krus at pako....

Sanlibong Luksa

Ang matang malamlam, ngayo'y namaalam
Pumikit, lumimot, sa mundong bangungot.
Baon ay pighati at ilan ring ngiti.
Na minsan sa isang labi naiguhit na munti.


Mundo ay nanangis, kometa'y nahapis
Tala'y nanamlay hangi'y nakiramay
Sa gabinng binalot ng sanlibong luksa
Tanging mata lang niya ang walang pasa.


O! Apolo bakit ka nakatalukbong
Suot mo'y karimlan, belo ng pighati?
Ikaw Artemis bakit ka nagkakanlong?
Sa alon ng luha, sa mata ng tala?

Sa iyo

Ang anino ng karimlan
Ang pinantabing mo sa hubad mong paniniwala.
Samantalang mga halimaw
Na nais manglapa
Ang prinsipyo mong kasumpa-sumpa
Gising! Gising!
Gising ka sa bangungot
Na ikaw ang lumikha

isip tao

Sa panahong naglayag ang isip-tao
Lumakbay, lumawak, umunlad,
Lumaking puno.
Namulaklak at namunga.


Subalit biglang kumulog at kumidlat
Natamaan, naputol, bumagsak
Ang lumaking puno
O Diyos!
Ikaw na ang magpasya
Kung muling patutubuin ito.

Orkidya at Pipit

Tahimik na nangingiti.....
Imiimbay, sumasabay, kumakaway.....
Ang dalisay na talulot
Iniaalay ang kanyang rikit sa kung kanino hindi ko batid.



Mayuming umaawit.....
Malamyos, naghahaplos, nangyayapos......
Ang mabini niyang tinig
Iniaalay ang kanyang himig sa kung kanino hidi ko batid.

Bulag na Daigdig!

Kumibot-kibot ang labing mamad
Na sa init-araw nakabilad
Lipaking palad ay nakasahod
Sa mga kaluluwang nakatanghod.

Walang awa! Walang na bang awa
Ang sandaigdigang isinumpa?
At piring-mata nang naglalakad
At ang mga paa'y nakatiyakad.

At ang kaluluwang awa'y hangad
'Di makitang patay na sa pugad.....
Busalan pa man ng libong awa
Wala na! O! Linunod na ng luha.

Kumibot-kibot ang labing mamad
Na sa init-araw nakabilad
Sakay ng ataul ng lumbay
Ibabaon sa yungib ng buhay!

Alimpuyo ng kalikasan

Pinaglaruan ng hangin ang mga bubong....
Sinampal-sampal......
Pinilipit............
Tinadyakan...........


Ang yero ay umiiyak..
Nasasaktan...........
Nakikiusap...........


Walang awa ang hangin...
Walang damdamin........
Nabuwal ang mga puno....
Nangapunit ang bubungan,
Nagiba at nangasira ang lahat.....


Naghahabulan ang patak ng ulan.....
Tik! Tik! Tik!
Ahh.... nakakabinging sigaw ng kawalan....


Ang luha ng kalikasan.....
Tumutulo sa butas na bubungan......
Habang dinudukal ang birheg kalupaan.....
Habang piniputol ang mga punong luhaan.....
Habang kinikitil ang mga hayop sa kagubatan...

payapa na...

Kapos-hininga........
Pautal-utal na hulling habilin.


Panalanging minusika
Sa taingang makarinig hindi.



Alaalang sinulyapan
Ng matang nakapikit.


Lumuluhang kandila....
Kulubot na bulaklak...

Along nangingisay.....
Dahong luoy...........

Pasarang kurtina
Sa tanghalan ng buhay.


Krus na itinayo.....
Yungib na hinukay...


Katawang ibinaon....
Mga matang lumuha....


Ibong nangagluksa....
Mga talang lumuha....


Ahhhh....Payapa na,
Payapa na......
Payapa na......

batis

Batis, sa mabini mong pagdaloy
Tangayin mo ang bagabag
Nitong pusong aba.
Iagos mo ito sa kalawakan
Palabas sa unibersiya at galaksiya
At sa himingting ng karimlan ng gabi
Isabog mo itong tulad ng mga butil-ulan.
At kung maghimala man.....
Ang naluoy kong pag-irog
Ay muling manariwa........


Batis, sa mabini mong pagdaloy
Ianod mo ang aking panimdim
Isampal mo ito sa tungki ng pampang
At kung mawasak na ang salaghati
O kaya'y maglahong bula ang kaligkig
Ng pusong aba.
Mabura na sana ang kanyang ala-ala
Na inukit niya sa pusong aba.
At upang ako'y magising na.......

Ang kabaliwan ng Baliw

Ang lalim ng kalaliman
Ay nadudukal.................. kapag dinudukal.

Ang layo ng kalayuan
Ay nararating .................kung nais marating.


Ang ganda ng kagandahan
Ay hindi makikita.............. kung ayaw makita.


Ang daloy ng pagdaloy
Ay hindi mapipigilan........... kung walang pipigil.


Ang kabaliwan ng baliw
Ay walang wakas................ kung ayaw wakasan.

paghahanap(sa sarili)

Saan?
Dito ba? Doon ba?
Saang liko ba?

Halungkat....tapon, kalat....
Wala!
Saan ka ba nakatago?
At 'di ko mahanap,
Sa libro ka ba at agham?
Sa alahas ka ba at pera?
Sa alak ka ba at kasiyahan?
Sa kinang ka ba ng ginto?
O sa patak ng bawat luha?
Sa imbay ka ba ng dahon,
O sa halakhak ng alon?


Saan ka ba naroroon?
At 'di ko masumpungan
Ikaw ba ang hiwaga
Sa bawat pagngiti ng bulaklak
O sa taghoy ng dahong luoy?
Ikaw ba ang ungol ng hanging habagat
O ang malamyos na tinig-dagat?


Saan ka ba nagkakanlong?
Saan ka ba nagkakandong?
Doon ka ba sa hinhin ng tubig
O sa himig ng pag-ibig?
Ikaw ba ang kapangyarihang 'di natatanto
Ni naararo ng isip-tao?
Ikaw ba ang misteryo
Na itinatatgo ng rosaryo?
O ang mapanganib na bagyo
Na lubhang mapanira sa tao?

Saan?
Diyan ba? Nakita mo na ba?
Saang gilid kaya?

Sisid.....
Bungkal.....
Kalat......


jomark m. baynado 01/14/2008

hiwaga

Sa himno ng kampana
Ngumiti ang bulaklak.
At sa huni ng ibon
Saka namukadkad.


Ang hiwaga ng buhay.
Sa palad na dalisay
Inukit ni bathala
Noong magsabog tala.


Mumunting paro-paro,
Malayang gamugamu
Sa'ting parang ano?
Sino humulma nito?


Ang hiwaga sa mundo.
Liripin ay ano?
Tuklasin ay paano?
Hanapin sa paraiso!!

pagluwal

Tagaktak ng pawis
Buhay ibubuwis.....

Iring kamatayan
Uhang kasiyahan....

Taingang nangatuwa
Matang lumuluha....

Saksi ang mga tala't
Kumot na tulala....

Umagos ang dugo
Dinurog ang puso...

Nabalot ng takot
Ang kwartog sandakot....

Nanginig, namutla,
Hinimatay, napatda....

Trahedyang eksena
O pagkadakila?

Sa'yo papasibol na bulaklak ng orkidya

Sa'yo papasibol na bulaklak ng orkidya
Huwag matakot, huwag mangamba.
Huwag mahiyang ang hiyas ipakita
Ang rikit ng iyong mata,
At ang kinang at busilak ng paraisong dala.
Damhin mo ang halik ng hangin
Ang pagsuyo ng hamog ay lasapin.
Makipagtalik ka sa mga paroparo.
Hanggang mapunlahan ka't maging buto.
Upang sa sunod na bukang-liwayway
Muling sumibol ang rikit mo....


Sayo papasibol na bulaklak ng orkidya
Halina! Mamukadkad ka.
Akitin mo ang mga bubuyog
Makipagniig ka,
Ipatikim sa kanila ang iyong nektar
Lasingin sila ng iyong tamis.
Bago ka tuluyang malanta
At mapigtas ang talutot mong lila...
Upang sa susunod na takip-silim
Muli ay sumibol ka.....

preface

This is a tale told by a noble soul.
It is a tale of happiness and sorrow.
A tale of adventure in four pillars of a room.

This tale is compose of many souls,
Souls seeking for wisdom,
Seeking for a light,
And seeking for love.


This tale is an ordinary tale.
It is a product of unforgettable experiences,
Unforgettable anecdotes
And circumstances.

The main ingredients of this tale are
Smile, Love, Gratitude and Unending Farewell.
May it touch your heart.
(this is the preface of my narrative report during my off-campus)

Sa gurang na daing nadudulukan....

Pina'san mo an kinaban
Ginibo gabos
Tanganing mapakaray an buway kan saimog mga aki
Pero ngunian na ika gurang na
Dai kanang nadudulukan
Dai nang naayatan ki tabang.....

Subagong pagkaaga
Nagduman ka sa saimong aki
Na maray-ray an buhay
Mahagad kuta ki pambakal ki bulong
Pero dakulang ngalas mo
Ta dai siyang sintabo!
Pero nahiling mo duman sa lamesa
An masisiram na pagkakan
Na dai man lang saimo inalok dawa kunyari sana!
Nahiling mo man sa li-og niya an bulawan na kwintas
Nagkakalay-kalay.....makintabon...nakakasula sa mata.
Sigurado ka mamahalon to.
Dai man niya sabihon
Pero namamati mo na gusto niya na maghale kana
Sa harong ninda...
Makulog man sa bo-ot
Tuminalikod ka.
Kaysa man sabihon niya na maglayas ka na!
Di mas lalong makulog sa boot!

Si saimong paglakaw pauli duman sa saindong barong-barong
Nanluluya na an saimong tuhod
Siguro sa gutom o sa kapagalan kaya
Sa paglakaw mong dai ka man napala!
Siguro swerte ka pa
Ta nasabat mo an saro mo pang aking babae
Iyo nagbisa man saimo
Pero ni naghapot baga kun nata ika nanluluya?
Nag-apot baga kun igwa pa ikang kinakakan?
Na-hapot baga kun kumusta pa pagbuhay-buhay mo?
Dai! Ta nagmamadali man ta hinahalat siya kan mga amiga niya!

An kulog kan boot mo nadoble pa!
Iyo dai kanang nadudulukan
Dai nang nahahagadan ki tabang pero okey sana
Ta igwa ka pa man pagtubod ki Ama
Luway-luway kang naglakaw pauli
Salamat ta sa pirta kana kan saimong barong-barong.
Barong-barong na kan panahon naging istaran kan ulok
Kan saimong mga aking pinadangat!


Biglang nagdiklom an saimong paghiling
Siguro sa kapagalan o kaya pagkagutom kaya
Natumba ka sa paril!
Wara man lamang tuminabang......
Wara man lamang duminulok.......
"O, Diyos ko!" an nataram mo!

jomark m. baynado 12/2010

A diary of a little girl found in the trash can........

Pumunta na mona kami kay Dr. Dato
Sumakit ang chan ko noong pumonta kami ki Dr. Palma.
Sabi ni Dr. Palma mag pa admit dao si Mama
Ng private room.
Pagkatapos pumunta naman kami sa Josefa
Pina injectionan ako
At sabi ni Mama mag pa-confine na dao ako.

Sa inyong paglipad....

Bakit kailangan pang magpalit-anyo?
Bakit kailangan pang lumayo?
Kay lungkot naman na kayo'y lilisan
Kami sana'y huwag nyong kalilimutan.

Sa inyong paglipad sa kaitaasan.
Dalangin namin ang inyong kaligtasan
Nawa'y magtagumpay kayo sa alapaap
Nawa'y matikman ninyo ang tamis ng pangarap

Ingat kayo sa mga sagwil sa daan
At kung kayo ay madapa sa pag-iyak-tumahan
Tumayo at muling kumampay
At lasapin ang alindog ng buhay


Kung sa inyong paglipad
Sa bangis ng buhay doon kayo maipadpad
Maghinanakit sa Diyos ay huwag
Harapin ito at huwag maging duwag.



Tandaan na saan mang bahagi ng mundo
Ay may isang bukod-tanging paraiso
Na tanging hinihintay ay kayo
Pagkat handog ito ng maylikha sa inyo.


Kung ang pagkapakpak ninyo
Ang kalooban ng maylikha sa inyo
Sige humayo kayo
Sige lumipad kayo!

Bucolic Poetry

Twilight painted the summer's sky
As herons spread their wings in blissful cry
And they somersault to a marshy swamp.

Boundless night await
To all nocturnal cry -- nocturnal song
Of cicada and cricket will never die.

Infinite serenity in the vast field of hay
Breathtaking scene to the eyes of gay feathers.
Moving clouds of time, please pause for a while
And witness the miracle's delight!

Unparalleled midnight of tranquility
And the towering beauty of moonlight beam--
Is a gentle touch of love to the heart of swain.

jomark m. baynado 12/13/10

Ako ay tula

Ang kaligayahan ay tula
Ang kalungkutan---
Ang buntong-hininga ay tula
Ang palahaw---
Ang lagaslas ng ilog ay tula
Ang awit ng pipit---
Ang imbay ng puno ay tula
Ag lantang bulaklak--

Ako ay tula....
Sa mundo ng tula.
Ako ay tula
Sa mundong aking nilikha
Ikaw ano kaya
Sa mundong ikaw ang gumawa?

Sumpaan sa ilalim ng buwan...

At sumilay ang mga bituin
Na na nagbigay liwanag sa karimlan ng gabi.....
Tinanglawan ang mag-sing irog
Naglalambingan sa himingting ng parang
Na katabi ng ilog na ang tubig ay kristal
At umaagos ng marahan
Patungo sa payapang latian
Na ang tumutubo'y mga halamang-tubig
Na nagririkitan.....

Nahihiya ang mga kuliglig
Na manaka-nakang sumisilip...
Nagsabog bango rin ang mga bulaklak
Na ang tamis ay humahalimuyak...
Samantalang nagalak ang mga palaka
Na nagsimulang mag-awitan
At maghabulan sa sariwang tubig-latian...


Sa gabing ito dalawang puso ang nagsumpaan
Saksi ang buwan at  mga bituin
Na silang buong pusong magmamahalan.

Bingi na ba ang Diyos?

Bingi na ba ang diyos?
At paulit-ulit mong inuutal
Ang kanyang pangalan.
Ang kanyang walang kamatayang pangalan!

Nawasak na bang tulad ng salaming binato
Ang kinang ng iyong pag-asa
At paniniwala?

Bubog na bang mahirap ng buohin
Ang pangarap mong mailagay
Man lamang sa silid-aklatan
Ang akdang mong pinaghirapan mong sulatinn
Sa loob ng kagimbal-gimbal na gabing
Hindi ka makatulog?

Nadudurog na ba ang iyong puso?
Lalo pa ng makita mong pinangbalot
Lang ng tinapa at tuyo sa bangketa
Ang mga tula sinulat mo
Na walang nag-aksayang bumasa?

Paulit-uklit mo noong binigkas
Habang angn mata mo'y mugto
Na hindi ka mawawalan ng pag-asa?
Na hindi ka manlulumo!
Hindi! Hindi!
Bakit ngayon nawawala na ang pangakong iyon?
Magsalita ka?

hungry mouth

Hungry mouths----
Four hungry mouths
In the hay made to wreath
I heard your hungry breath

Hungry mouths----
Four hungry mouths
In refuse made to wreath
I heard your sentimental breath,

Hungry mouths----
Four hungry mouths
In deserted dessert of wreath
I heard your shriek and dying breath.

Midnight Bloom

The song of Pleiades and the moon
Disturb your deep silence and you loom.
The starlight, the moonlight, and your bloom
Experience the bliss of honeymoon

The touch and breath of cold Zephyr
Brings euphoria and exultation
While your pores spread in exudation.
Effulgence of midnight, the end I fear.

Your fine rain of powder from your gills
Bathe the ephemeral lover’s night
Oh! Love Oh! Compassion please bedight
The sweet lover in the starry hills.

luntiang lumot

Nasaan na ang luntiang lumot?
Na naging kandungan ng hamog.
Na kinaulayaw rin mga suso,
Habang gata'y ninanamnam at sinusuyo.

Nangungulila ako sa luntiang lumot.
Na ngayo'y tanging iniwan ay bakas,
Dahong lanta....mantsa sa pader.
Lumipas na panahon, anag-ag ng kahapon.

Haraya! Ibalik ang panahon
Upang muli kong maidampi
Ang uhaw na palad at upang muling makiliti
Sa munti nitong dahong nakangiti.

Igkas ng panahon at ang luntiang lumot,
Mamuhay ka sa matang nakapikit
Suson-suson man ang  maging pasakit
Ngiti ka sa panahong mapait.


At sa takipsilim ng yaring buhay
Sana'y muling madukal ang luntiang lumot
Upang manariwa ang kiliti.
At ang naluoy na katawa'y muling ngumiti.

lipad anak

Kampay  anak  kampay
Kampay  ang  kampay
Sige anak kampay
Abutin ang ulap,
Ligaya ng buhay
Suungin ang bugso
Mundo ay makulay
Puhunan mo'y bagwis
At gabay ni inay
Ang tibay ng loob
Hinabi ni Itay
Huwag matakot
Kami iyong gabay
Sige anak kampay
Kampay anak kampay

Tingin anak tingin
Tingin  anak  tingin
Sige  anak  tingin
Iwas  sa namumuwing
Umiwas  sa  bangin
Lason  at  patalim
Na  sangkap  ng  hangin
Makipambuno  ka!
Iwasan  ang  pain
Huwag hayaan  ika'y  lupigin
Mga  bilin  ni  Ina
Iyong alalahanin.
Pangako kay Itay 
Piliting  tuparin
Damhin  iyong  puso
Nawa'y dingi't  sundin
Sige  anak  tingin
Tingin  anak  tingin......

Sa tutubing pinagpiyestahan ng mga langgam


Sa tutubing pinagpiyestahan  ng  mga  langgam
Patawad,  patawarin  mo  ang  utak kong  gutom  sa  karunungan.
Ngayon hila  ka  ng mga  langgam
Pinag- aagawan.......
Pinagpipiyestahan
Ng  mga  buwitreng  tampalasan
Lahat  gustong  sumipsip  sa  iyong  ugat
Ng mga  mumunting  bampirang  isinumpa..... 
Na  gutom  sa dugo  at  laman....


Pakpak  mong nakabuka  tila  krus  na  dasalan
Mga kamay  mong  dikit   ay nanalangin
Marahil  'di  ko  nga  nadama  ang  malagim mong  kinahinatnan
Ang  kirot  ng  kagat  ng  kamatayan.
Ngunit  punyal  namang  tumagos  sa  aking puso
Ang  buntong - hininga  ng  aking  konsensiya.

HIV

It is a dormant malady
That flows in veins of society
Killing every soul innocently
By tremendous agony.
The kiss of death is the only remedy....

It is a dormant malady
A diabolic rhapsody
Penetrating to the anvil of society
Reverberating permanently
Like a song of sarcastic parody.

It is a dormant malady
Invaded the brain of society
Arising, revolting, hostility......
Oh! author of enmity
Please emancipate me.


jomark m. baynado(different interpretation is accepted)

lang uyam

La bagang uyam.....
Lang uyam magparaulat sa diri man mig-abot
Lang uyam magparaasa sa uda man aasahan
Lang kulog basang sa boot.

Minsan kadto......
Nagparatubod ako sa sinabi mo
Pig-paraambugan mo man sana palan ako
Ako man tanga tubod man tulos.

La  bagang uyam.....
Lang umol magparungog sa mga kaambugan mo.
Nagsasawa na ko kong pagrungogon ang rason mong pigtaperecord na.....
Gusto ko nang sungsungon ay talinga ko ta baka mapatubod mo naman ako.

pagkagutom

Pagkagutom, ini sarong helang
Sana dai kamo tamaan
Ta dai ini napupugulan.

Sarong aking tios
An nagbarungkal sa kaldero
Sinirot an tadang itip
Tangani sanang mabulong an pagkulog kan tulak.
Sabay inom ki tubig tanganing mabasog.

Pagkagutom, ini sarong helang
Sana dai kamo tamaan
Ta dai ini napupugulan.

Sarong pulitikong mayamanon
An nagtukaw sa saiyang primera klaseng tukawan
Asin pinirmahan an mandamiento
Na dapat siyang bistuhan asin katakutan
Ta siya na an diyos ngunian
Siya na an diyos na sasambahon kan mga butang uripon.

Pagkagutom, ini sarong helang
Sana dai kamo tamaan
Ta dai ini napupugulan.

Sarong babayi
An marikas na huminadok
Sa gurang na lalaki
Na an alahas nagkakawil-kawil sa li-og.
Luminaog sinda sa hotel..... kun ano an ginibo dai mi na aram.
Pero an kabalyo kaidto kwarta asin bulawan.

Pagkagutom, ini sarong helang
Sana dai kamo tamaan
Ta dai ini napupugulan.

hiling ko hirang

Kung nag-iisa at muling naaalala
Ang pait pagsinta
Humahapdi ang aking mga mata.
Kung uling nadarama
Ag pag-ibig sa iyo sinta
At ang kahapong kay saya
Kumakabog ang puso kong aba.

Kung namumutawi uli sa labing sawi
ang tamis ng pagkakamali
Naaalala ko ang iyong labi
Kung nahahagkan ng hanging amihan
Ang aking katawan
Hinahanap kita kung nasaan.
Oh! Hirang bakit ako iniwan?
Bakit ako binigo?
Bakit di' ako ipinaglaban?
Bakit mo ako sinaktan?

Puso ko ngayo'y sugatan
Mga mata ay luhaan
Ang tanging sigaw sa ulan
Sana ay muli kang mahagkan!

jomark m. baynado 11/15/08

nakakadenang kaluluwa

Walang kasalanan ngunit ikinulong
Sa isang hawlang ang bangis ay kandong
Sa bawat umagang panaghoy ay bulong
Atungal ng hayop sa libingang kanlong.

Sa'yo kadiliman taghoy at panangis
Kakambal ko wari pusong nanangis
O! takot at luha sa isip binigkis
Sa bawat pagdaan ng punglong mabangis.

Sa bawat umagang hanging malinis
Ibinibilad ang mga kaululuwang yapis
Imaheng balakyot sa matang walang hapis
Kaluluwang sibol sa hawlang marungis.

Tanikala'y pigtas, pintuan ay bukas
O! malaya na malaya ng lumabas
Ngunit dangal ay sira, katauha'y baklas
May umaga pa ba na maaliwalas.

eksena

Kumilos ang mga anino
Bawat hakbang ay sigurado
Mga sibilyan at armado
Sama-sama hawak kamay
Sumisigaw, humihiyaw...
Tinalunton ang kalsada
Masisidhi ang nasa,
Damdaming nagliliyab
Nagkagulo ang media
Lumabas ang mga mapagsamantala
Kinilig ang mga pulitiko
Tuwang tuwa at nagpainnterbyu
Nagprusisyon ang mga armor car
Nagrampa ang mga militar
Nagpakitang gilas mga mga pulis
Na sa arogante ay labis
Nagpatupad ng Curfew 
At kalupitang Martial law
Pilipino'y nalito, nagkagulo
Sinara ang mga negosyo
Ekonomiya'y bumagsak
Bumagsak pati piso
Ngunit bigo pa rin mapatalsik ang pangulo.
Sumakit ang ulo
Ng maraming Pilipino.
Tanong ko,
Bakit sino bang bumoto?
Hindi ba kayo?

(manila peninsula scandal)
jomark m. baynado
(also published in NEXUS-the official student-pub. of BCC)

alay

Ang mapanglaw na araw na iyon...
Ang mga bulaklak ay nangaluoy
Samantalang ang araw ay nagtago sa karimlan,
Nagsitigil rin ang awitan ng mga ibon,
Habang tumutulig sa kaumagahan
Ang panaghoy ng batingaw sa simbahan
Marami ng panyo ang binasa ng luha.
At nakakabagot ang prusisyong iyon
Prusisyong, makulay na karosa ay wala
Palahaw ng inag puso ay duguan
Hikbi ng amang mata'y luhaan
Ang bumugso sa sanlibutan.
Samantalang ang tunog-paaang marahan
Ay nakisimpatiya sa buhos ng ulan
At mamasdan doon sa unahan
Ang isang abang katawan
Na akay ng mga anghel na nag-aawitan.

jomark m. baynado

ngirit

Ngirit mo sana
A buhay ko kumpleto na...
Sa labsok na mangitngit
Ika a mga bituon sa kalangitan
Na nagtataong liwanag sa buhay ko...
Sa mudtong uminanglas sa problema
Ika a patak ka preskong tubig nin solusyon
Tanganing kumalma ako.
Ngirit mo sana
A buhay ko kumpleto na...
Sa oras o sa minutong malang mundo'
Ika a kanta ka bayong na costa sa sanga ka mangga
Na nagpapamuya a puso ko.
Sa pagturog ko
Ika a panginip na abu kong lingawan ta ika
Nagtataong kapaingaluan sa pagal na awak ag kalag.
jomark m. baynado

burat na ko

Burat na ko...
Nalilibong na...
Tayong na....
Nagparabisara nang suway sa awak...
Mala ng daldal...
Nagkakasuka na ko...
Alalayi man padi!
Matutumba na ko...

Aram ko pigtatatsaran nira ko
Pero okey sana...
Burat naman ako...
Burat na ko sa kasusurat ka mga linya...
Na para kanako musika sa talinga ag sa kalag....
Labot ko kanra kun di ninra ko maintindihan
Ta  aram ko man na abo ako ninrang intindihon.

Burat na ko...
Nalilibong na...
Tayong na...
Sa kaiisip sa mga linya tanganing magpamati kaninyo
Dawa aram ko man na abu ako inyong mation.
Ta uda man  sirbi a pigpara bisara ag pigparasurat ko...

Burat na ko ...
Nalilibong na...
Tayong na...
Sa kasusurat sa linya ka mga alak na  tula
Aram kong di ninyo aram a namit kadi
Ta aram ko man na abu ninyo ining  namitan.

Burat na ko...
Nalilibong na...
Tayong na....
Burat na ko....

jomark m. baynado 11/30/10

patak ki uran

Magayunon na paghilingon
An patak ki uran.
Nag-uurunaan sa balisbisan
Garu kristal sa sampayan.

Magayunon na pagdangugon
An patak ki uran
Himno nin langit duman sa bubungan
Ini an mga awit nin sakong kaogmahan.

Narurumduman ko pa
Kan panahon na ako sadit pa
Hubang minatapsak sa laboy nin pagkamoot,
Sinasalud, ninanamitan an luha nin kamuyahan hale sa langit.

Narurumduman ko pa
Kan panahon na ako maringgaw pa.
An pagrigos sa turo ki uran
Sa sakuyang puso dakulang kaogmahan.

Ngunian ta minauran...
Gusto ming balikan
An panahon na  uminagi
Tanganing marigos utro na nakahuba sa uran.

paningin

Ang gutom  sa  liwanag na  paningin
Sa  karunungan  ay maliwanag  rin
Sa  kapa,  sa  pandama  natututo
Sa  awit  ng  maya  o  sa pipit  na  sinisinta
Sa lagaslas  ng  ilog  o  sa dapyo  ng  hangin
Sa  bulong  at  buntong -  hininga
Sa  dampi  ng  palad  ay  makinang  pang  nakikita
Ang  daigdig  na  pinipita.......

Aanihin  ang  matang  malalaki  
Kung  nanlilisik naman
O  kaya'y  nagbubulagbulagan  sa  katotohanan  isinasampal  na...
Tulad  kay Oedipus  na  pinaslang  ang  Ama
Inasawa't siniping  pa  ang  ina  
Bulag  na  nakamulat  na  mata...

Aligata

Aligata...
Nagkakamang sa uma
Baktot tupasi
Dawa magubat kinakaya.

Aligata....
Dawa sari siton sinra
Uda kapagalan
Sa paganap sa pagkaon
Pirming nagtratrabaho
Pero diri nagrereklamo.

Aligata....
Diri nagrereklamoGinigibo ngamin makapagsirbi sana.
A tawo kuno kaya magigging aligata?

Unos


Dumagundong ang langit
Gumuhit ang liwanag sa karimlan
Paulit-ulit...paulit-ulit.......
Umihip ang hangin,
Nag-unahan ang mga patak ng ulan,
Pababa...pabulusok...pabagsak..
Pabilis ng pabilis....
Palakas ng palakas.....
Umapaw ang tubig sa estero.
Inanod ang mga basura,
Inanod ang mga troso,
Inanod ang bahay at barong-barong,
Inanod lahat...lahat inanod!
Walang itinira........wala......wala.....
Nakakabingi ang gabi!
Nakakabingi ang nangangalit na unos.


Dumagundong ang langit!
Gumuhit ang liwanag sa karimlan
Paulit-ulit....paulit-ulit....
Naglitawan ang patay na hayop,
Naglitawan ang mga basura,
Naglitawan ang mga troso,
Naglitawan ang mga bangkay ng tao
Naglitawan lahat na parang styrofoam
Na natrap sa kung saang kanto!!!

Turog-turog

Turog-turog ako sa gilid ka raran,
Susupgon...
Kaya pigriringawan
Pig-ngangayamnan
Pigpipitik a dawon..
Kaya minsan nagtatangis..
Ta nakukulgan.

Turog-turog ako sa gilid ka raran
Susupgon...
Pagtinitikwil nagtitikom..
Paginaapulas diri nakasisislong.
Pero tabi diri ninyo ako pakakulgan!
Kung abo ninyong a kamot ninyo parugoon...

Uran

Uran,
Ngata ika udit?
Ngata pinabubura mo ading atop namo?
Ngata niloloog mo ding baloy namo?
Intruder ka!


Uran
Ngata ika udit?
Ngata mo ko binubungog?
Ngata gusto mo kong rupiton?
Ngata sinasampaling mo ading bintana namu?

Uran
Ngata ika udit?
Ngata ika di na nagpupundo?
Diri nayka nairak kanamu!
Naglulutaw na naman ading baloy namu!!
Uran ngata ika udit?

Mamatay ako

Mamatay ako
Subalit ang kamatayan ay hindi katapusan
Dahil ang bawat katapusan
Ay bagong simula
At kung mamukadkad muli ang  ligaw na waling-waling
Sisibol akong muli
Mamukadkad  kasama nito…
Ang kamatayan ko ay tulad kay Sherlock Holmes
Na gugulatin ang daigdig sa muling pagbabalik
Tulad kay King Arthur
Na babangon bitbit ang Excalibur
Tulad kay Bernardo De Carpio
Inipit nang naguumpugang bato
At hindi na nagpakita
Subalit isang araw magbabalik
Sukbit ang lakas at kapangyarihan!
Tulad kay Rizal
Na binuwal ng alingawngaw ng punglo
At ibinaon sa lupang hinirang
Subalit ang diwa ay naglalakbay
At walang kamatayan
Mamatay ako
Subalit sa ikatlong araw
Sisinagan ako ni Haliya
At sisibol ako
At mabubuway ng walang hanggan
Pagkat ang katapusan ko
Ay ang binagong kwento ni Daragang Magayon.

Kahirapan




Kahirapan
Ito ay amoy ng pusali
Taghoy ng ibong nalalagalag
Kudkud ng kutsara sa kalderong walang laman
Pagmamakaawa ng mga kalapating di makalipad
Pagbagsak ng mga yero at dingding sa eskwater na denimolish
Sigaw ng mga raliyesta humihiga sa kalsada
Pakiusap ng batang humihingi  ng barya
Kaluskus sa basurahan
Uha ng munting sanggol na iniwan sa CR
Patak ng luha ng pagpapabusabos sa ibang bayan
Suicide note ng  natanggal sa trabaho
Kalansing ng baryang sweldo
Na naglimlim pa bangko
Habang libong bata tiyan ang sapu-sapo
Ito ay bulong ng sikmurang kumakalam
At panis na laway
Ito ay kalyo ng palad
Putik sa mukha
Amoy ng basura
Dikit-dikit na bahay
Huni ng bubuwit, ipis, askal, pusakal
At pasang krus ng marami.

Todok sa tiil

Berso Blg .01

Bumubuwat.......umuula
Oro-otrong matutulala
Luway-luway na mig patak a luwa!


Berso  Blg. 02

Pasini......pasiton
Libong kun sarin migpoon
Ta napusang lalawgon masakit bilogn!


Berso Blg. 03

Lumalayog...... tumutugron
Ta kun di maabot a panganoron
Bumubwelo gilayon!


Berso Blg. 04

Palaob.....paasag
Bubugnuton a takyag
Tanganing masulit otro a napulsag na awak!


Berso Blg. 05

Bubuwayon.....ilulubong
Nabubuway a kulog ka tubong
Pag nakakatugsaw sa sulong!


Berso Blg.06

Umaatubang...tumatalikod
Itago man a bata' sa bulod
Lumuluwas ag lumuluwas a matuod!


Berso Blg. 07

Pumanik.....bumababa'
Sa agran na lupa'
Sa inuban-uban lumalapatak ka sa raga!

Berso Blg. 08

Marurumruman.....maliingawan
isip una ng nagraan
Ta ngamin nalingawan!


Berso Blg. 09

Pairaya.......pailawod
Dawa sarin darahon ka tuhod
Basta makusog a pagtubod!

Ang aking tula

Sa dugo ipinanganak ang aking tula
Namumukadkad ng buhay at pagkadakila
Ito ang aking handog sa paanan ni Bathala
Na sa duguang krus nagpatirapa.

Pagkat pawis ito ng libong mangagawa
Na tinitiis ang pang-aandukha
Hinga ito ng bawat magsasaka
Na libong buhay ang hinuhulma.

Ngiti  ito ng mga bayaning ina
Na sa anak  buong pusong nag-aaruga.
Uha ng bawat inosenteng sanggol
Na sinapupunan  bulaklak  na sumisibol.

Ito ang aking hamak na tula
Na sumasagisag sa pagkadakila
Sa buhay at walang katapusang pagtitiyaga
Upang maturol ang nakatagong hiwaga..

Thursday, November 10, 2011

diri pag-rugruga a puso


diri pag-rugruga a puso
ta a  pagkamoot na siton nag-tubo
nag-uugbos, nagrarambong , nagdadakulo......


diri pag intremisa a puso
ta pag  iton nagtubod diri sumuko
ika mapapaiyan kanako.......


diri pag ringgawi a puso
ta pag nakulgan iton migrugo
migbaha sa luwa baka   masupo......


diri pag tuskon a puso
ta baka matigbak su pagkamoot na siton nagtatago
minangis ka ta ako nagrayo..........

Morte de Bin Laden


ng magsabog ng Iodized Salt ang NATO
sa himingting na  langit
umulan ng tsokolateng Missile
na nilinok na buo ng Tripoli
kaya nalason at namatay 
ang bunso ni  Gudaffe
pati ang tatlong  apong inosente!
pero wala .....
wala ang mukhang nagsisisi....





matapos ma-DNA ang lasog-lasog na templo ni Bin Laden
nagpaparty  si Uncle Sam
Pati si Juan de la Cruz  naimbitahan
ang  fireworks at smoke machine sa   World Trade Center
panandaliang  binalikan....
ang ibang mamayan  bumandera ng mukha ni di nga kilala
nakuha na raw ang regalo raw
para sa libingan na dinukha
mula sa dugo ng  balbasing mukha....


sabi Pope John Paul II
itigil na ang digmaan sa ngalan ng mga bata
di na maalala.......
di na maalala.......

sawsaw suka


sawsaw suka, buko ako a taya
ta aram ko sad  kang  madaya
di maranyan,  ni diri maunga.




sawsaw suka, lang alsom mo baya
lang uyam na kaiba- gusto pirming  bida
masurikbot a dakulong nganga.




sawsaw suka, ni diri maningga
di man ako miniro  ta da man ako sala
lugod diri man  ka mapadapla....

ako


Tagabasa ng hindi nababasa ng mata...........
tagasulat ng propesiya...........


Isang anino sa dilim nagkakanlong,
bumubulong-bulong,
umuutal,
bumubigkas
ng isang panalangin.......


ginuguhit ang sariling kasaysayan
sa pahina ng liwanag
na itinakda ng palad.......

bubuwayon tay ka


bubuwayon tay ka
sa gab-ing malipungaw.....
mig-inibanan kita utro
sa irararom ka mga bitoon....

testigo ang mga kawoy
bubuwayon tay ka
kakantawon ko a kanimong kagayunan
rarawitdawiton ko ika.

ipamamati ko kanimo
a kanakong paglaom
a kanakong pagkamoot.....
sa gab-ing ini bubuwayon tay ka.....

pamate


Pamate.....
magpamate ika kanako
ta ako nalilipungaw nguwan......


Subago pa ko tulala
Inaanap ko su lalawgon mo sa mga dahon
Pero di ko maanap........




Subago ta pa ika inuulat
Pero di ika nagpapabayad dawa
sa porma na sana kintana sa alibangbang.....




Sari na ika nguwan?
Nalingawan mo na gad ako
Ta di ko na namamatian su pagkamoot mo kanako.....




Kun suminalak na ika tubig na naging uran
Nata di mo ako inuuranan
Tanganing kun ako maagnawan
Mamatian ko na pa an palan init su pagkamoot mo......

Sabrit


Sa sabrit nagpoon
A saday na kalayo'
Pigtubudan!-lang daling nagwarak
Pirang dignidad a nasulo o natumtom?




Kaya maglikay sa pagsabrit
Ta pag a posporo nakapitik
Sa kogon o laying
A karaba migsunod
Dakul mararaot!!!

PAWIS


tagaktak ng pawis
tak! tak! tak!


sa noo ni ama
gamot sa sugatang hapag....


tagaktak ng pawis
tak! tak! tak!


sa pisngi ni ina
maalat pero pampalis uhaw....


tagaktak ng pawis
tak! tak! tak!


sa noo ni ama
saplot ko sa katawan


tagaktak ng pawis
tak! tak! tak!


sa pisngi ni ina
kwaderno at panulat kong lapis...


tagaktak ng pawis
kailangang pa bang ibuwis.....


tagaktak ng pawis
patuloy pa bang ibubuwis......

status


Status: An paghanap nin trabaho masakiton
           Nagdugang pa an init kan saladang.......


Status: Mur dayanar sadi Bato with Pia the little cutie....



Status: Pag-iniisp naiisip, pag sinusulat nasusulat.

Taj mahal


kan magadan an ngirit
ipinatindog an kagayunan.....


tinipon an gabos na yaman
winalat sa sarong paril.....


linubngan kan sarong babayi
reyna nin kagadanan.....




an disenyo asin arko
dai kayang pantayan kan demonyo....


kun an kasalan maugas
sa kagayunan kan pagmundo.....


sige maturog ka diyan
isapoy mo an bag-ot asin  luha kan bituon asin bulan....

Pasko kan pagkabuway


Kinaryadahan  na so pasang
Tugbong na su pangpang
Tinubuan na sa mga tambo
Nag-ugbos na su mga malubago
Diri na maaakadan
Ka makusog na baha
Pila na su lugad
Pila na.............


Nagsaringsing na su pagtubod
Madahon na su tubog
Maogma na su mga nakaluhod
Nagpagaspas na su tibabong
Luminayog na pataas su riyok-riyok
Paitaas sa mga panganoron
Ngamin na tuminangad............

agran


Bawat akbang ko pataas
Mas lalong nag-gugubat
Mas lalong pinapagal
Mas lalog ini-ingal
Pero kaipuhan makaitaas
Kaipuhan magtubod
Ta habang nagrarani-nagrararyo
Habang nagrarayo-nagrarani

Message to labyog


labyog....luminalabyog an buhay
garo duyan na itinabyon
sa panganuron paduman sa kalangitan......


tabyon....tuminatabyon an puso
garo gustong lumayog
duman sa kaitaasan tanganing mation an kaogmahan.


layog....luminalayog
an paghiling ta hinahalat ka
hinahalat na ta kita maduman sa lugar na kita sana an nakakaisi




halat......hinahalat an saimong simbag
sa pakiusip kan puso, hilinga an sakuyang mata
nagsusumamo,......


pero dai ka nag-abot...............

Dinaysek na Utok


Usad na apon buminuklad
Su sadiri kong utok
Sa nakauba kong atubangan.




A utok ko palan sulong na nagsusulog
Na nababanga sa duwa....




Su usad mga ragpa ag tigbak
Na ayop a pigaanod. Mabata!
Su usad mga nagbuburak na water hyacinth
Ag mga ga-palad na  karpa a naglalangoy.




Di ko isi kun nata gana mas dakul su ragpa
Mas dakul so mga tigbak ag nalulupa
Nakatakot ako ag napapirong.




Pagbuklat su utok kong sulong
Naging mga dahon na sa libro
Ko sadiri kong mga rawit-dawit.




Nakigkig ako ta nabuway su  mga saritang nakasurat sadto
Pigrawidawitan ako, pigsermonan ako
Ko mga sadiri kong sarita
Napukro ako, napsupog sa sadiri.

Natuto akong tumula


Natuto akong tumula
                   Bago  ako natutong magsalita


Sa sinapupunan pa lang ni Ina
Naglalayag na ang isip at diwa
Sa dagat ng mga awit at tula
Sakay sa bangka ng titik at salita.



Binibigkas ko na ang tulang- lira
Inaawit ko na ang mga sonata
Tinutugtog  ko na  ang gitara
At bininyagan akong makata.



Ang unang uha ko ay onomatopeya
Ng paparating na propesiya
Na itinakda ng papel at pluma
Ng mga titik, salita, at parilala.


Ang unang ngiti ko ay metapora
Ng paro-parong humahalik sa tala
Ng pipit na walang sawang nanghaharana
Sa tuwing hapon, tanghali at umaga.


Ang unang tinig ko ay awit Adarna
Pampagaling sa pusong sugatan at aba
Ako ang balahibong sa  Piedras Plata
Na panulat ng nuno kong makata.



Atas ni Bathala na matuto akong tumula
Bago pa man ako matutong magsalita
Atas  niya na katauha’y ko’y mabuo
Mula sa  mga dalit ni Maria at tula ni Kristo.

Monday, November 7, 2011

kaligtasang pangako

Noong  nasa krus ka at nakapako
Ang koronang tinik ay naging sulo
Tanglaw sa daang mapagkanulo
Upang sa putik kami’y  mapalayo….

Ang sariwang pulang  dugo
Na sa  palad mo’y tumutulo
Katuparan ng kaligtasang pangako
Katuparan ng kasalanan naming iyong  inako.

At sinabi mo “Matamis pala ang kalis ng apdo
Nakakakiliti pala ang  halik ng latigo
Masarap  pala ang tusok ng pako
Kung ang kapalit ay kaligtasan ninyo….”

abandonadong salagan

Dana  su siyap ko siwsiw
Dana su pagbaoy ko gurang
Daa su pag-ayat ko tugon
Dana! Ipot  na sana nawatak
Dana su kagayunan
Ku inabol na salagan
Dana su urma
Ranggang na...
Doot na sang nakawit sa sanga

Dana su tiwit
da na su pag-ayat ku tugon...
Dana su karantahan
dana su bururaan....

Dana  su  porma
dana su  gayon
Doot na sanang  inaangin
Na nakakawit sa poon....
Sari na raw sinra luminayog
sari na sinra natuturog
Sari na raw tuminutugron
Marurumruman kaya su tiwit  ninra sapon...


Isay raw migbalik
Tanganing utro bilugon
Mga doot na nakakawit sa poon
Tanganing maging salagan gilayon...

rumaragang nagpataban

nguwan na gab-i
Tinaban....
Ay sala
Ta nagpataban palan
su nakagakud na rumaraga
Nagsiyap-siyap su tulong sisiw
Ta nabayaan sa irarom uran
Inaagnaw..
Uda mig-ilomlom.

Rigay-rigay ag paos
Na nagtaktaraok su lalong
Burat na nagtugron
Pero diri naturog
Imbes rinanggang su baloy......

pulutan

Limang nag-aarampangan
Miguelito pigpapasapasahan
Ngiriritan, iristuryahan, ngarakngakan
Tumatagay, pumupulutan
Liwoy na nagbuburubalyuwan
Istoryag puro-paryo man
Lumulustab
Tumitindog
ta tumatabid
Maparat na sa gilid
Rigay na ag tayong
Ubos na su pulutan
Kaya si Presidente na sana
Na bading kuno kaya uda pa agom
Mga artista ag pelikula
100 days to heaven magayon na
Uno raw mingyari ki Madam Ana
Nakaiba su mga taga-Libon
"Yan nagpaparung pagnagkakaon
Pag nag-uulod na bumubwelta gilayon"

nagdurugong sugat

Hinukay ng mumunting kamay
ang nagnanaknak na pugad
At ang natagpuan
nagdurugong sugat...
Sa pagsibol ng saya
kinuyom  ng palad
At bago naipasok
sa sisisdlang hamak
Nag-iwan ng mahapding
halik sa balat..

Ohh....
Ang saya ba  ng iyong  mundo
ay sa yukming plastic
at botelyang basag?
Sa matalas bang  humihiwa sa ugat
Habang  ang lipunan mo
nagkukunwaring 'di ka makita
o nalilingat?

halimaw

tutula ako...
sapagkat unti-unti binubuhay ng ingay
ang halimaw na nagkakanlong sa likod ng mga  anino
unti-untngi tumutuboo ang sungay
at pangil ng nakapanghihilakbot...
sapagkat handa nang manakmal...
at manungay..


ipapaliwanag ko
na piniputol  ko lamang ang kanilang sungay
at tinistis ang kanilang pangil
upang hindi na ito makapanila
sapagkat kapag ito'y naging ganap na halimaw
ang una nitong biktima
ay ang lumikha sa kanya....

Dawon batag


Uminutdol  kang purupot
Patindog, itinututuro ang langit
Sa bawat pag-agi ka aldaw
Luway-luway mong pinabayad
Su kanimong sadiri
Hanggang da na ika itinago
Ibinuskad mo na ngamin
Malakbang palan ikang dawon
Malinig ag  magayon,
Dakul kanimo naiibog
Uminabot so makusog na angin
Bigla ikang sinampaling
Luminaban ka
Pero binayaan kang rapak-rapak
Ipinadagos mo su kanimong buway
Naaraman mo na sumpa palan a panahon
Ta luway-luway na ikang nagbagong kolor
Luway luway na ikang uminukrong
Paryas ka pag-bow ka mga karakter
Sa usad na palabas sa entablado.
Pero bago ika nagin laying
Sinabi mo na agko parte sa buway mo
Na ika nagin magayon ag malinig.

pahalimuyakin

huwag pasibolin.....

sumisibol ang talulot  ng galit
sa apat na sulok ng kwadrado
at asido itong nanugat
sa mga pahina ng pangarap
ng mga inosenteng daliri
at ang bawat titig
ay kuko ng lawin
tumatarak sa laman at buto
kumikitil...
pumapatay ng pagkakataon!

paano kong ang  galit ay  'di magkabisa
ang asido ay di tumalab
pagkat ang balat ay sira na
'di na makaramdam
at ang kuko ng lawin
ay maging pakong walang talim
at itinanim at pinasibol na galit
ay isampal  ng panahon  sariling mukha
at pagtatawanan ka ng inosenteng labii....

ito ang pahalimuyakin....

kung sa pagtayo kaya at pagharap  sa entablado
buksan ang pintuan ng pag-ibig
at akayin ang mumunting dailri
at kasabay nang pilantik o pitik ng mga kamay
mahubog ang isang karangalan at pangarap
sa sa pagngiti ng umaga
at pag-awit ng mga ibon
ibubulong  ng mga anghel
ang magandang balita
na sa  iyong pawis at luha
sa  iyong pag-ibig at pag-aaruga...
 imortal ka na pala sa puso ng bata...

natatakot an kariribukan


natatakot an kariribukan
sa pagbuskad kan kulog
hale sa daghan
asin sa pagdugo kaini
luway-luway na ginagadan
an pitik kan puso
kan biktimang nakulugan
nginungula kaini an gabos
ta an patak kan luha
iyo na an kasimbagan
asin kun an iisip habong magadan
o magpundo sa pagdalagan
dawa  naheheleng  an kadikluman
an mata  magiging maga asin mapula
kinaagahan....
dae ka na maghapot
hilinga na sana an kasimbagan.....

kahirapan

Kahirapan
ni Jomark Baynado

Ito ay amoy ng pusali,
Taghoy ng ibong nalalagalag,
Kudkud ng kutsara sa kalderong walang laman,
Pagmamakaawa ng mga kalapating 'di makalipad,
Pagbagsak ng mga yero at dingding sa eskwater na denimolish
Sigaw ng mga raliyestang nakahiga sa kalsada,
Pakiusap ng batang humihingi ng barya,
Kaluskus sa basurahan,
Uha ng munting sanggol na iniwan sa CR,
Patak ng mga luha ng inang nagpapabusabos sa ibang bayan,
Suicide note ng natanggal sa trabaho,
Kalansing ng baryang sweldo,
Sapo sa tiyan ng batang nanglilimahid
Bulong ng sikmurang kumakalam
Panis na laway
Kalyo ng palad
Putik sa mukha
Amoy ng basura
Dikit-dikit na bahay
Huni ng bubuwit, ipis, askal, pusakal
At ito ang pasang krus ni Juan.

http://dinsulan.freeforums.org/kahirapan-t42.html

Saturday, November 5, 2011

tigsik

A tigsik (binabaoy man na kansíng sa Daan na Bikol) usad na suánoy na porma nin alìpót na rawitdawit  na nagpapabayad ka natural na talento ka mga Bikolano sa pagberso. Binibilog  iní nin duwa o abot sa upát na taytáy na agko walóng silaba o sobra pa. Lambáng usad kadi agko eskimang usad na sarambit o mono-rhyme.  Pabigláng tinitìyáw o inginungúsò iní sa atubángan ka pagtirípon. Iní kadaklan makangisi, o agko "piltik" sa siisáy man na pinapatamáan. Nahihímò na "sarambít" o barágay sa padalían na pagkawingkawíng kun maúsay a


Tigsik ko ining diskohan
Ta dawa biyong inuuran
Pigparadayo pa man
Pauso ngani magkaralabuyan.

Tigsik ko ining siwsiw na malapaga
Nakatugron sa sanga ka mangga
Solo-solong inuulat na mag-abot na
Su gurangan na migtugon ka niya.

Tigsik ko  ining gogon
Ta sa ginabutan ko poon
Tuminubo man gilayon
Buminurak pa sa magayon.

Tigsik ko ining dag-om
Ta su aldaw ko pinarumarom
Rinabong pa ako ni agom
Ta nabasa su igagatong.

Tigsik ko ining matematika
Ta a utok ko kinukurta
Di ko isi kun papaunohon na
Ta di ki isi a pormula.

Tigsik ining buradol
Ta di takot sa daguldol
Sinampaling sa angin
Pero di basta-basta napuputol.

Tigsik ko ing rignos
Ta nagsasalagan sa bulos
Mga itlog biyong pinuputos.

Tigsik ko ining abrot
Ta biyo bagang sinisirot
Dawa matagras, kinakamot
Ta a sintabo di napupurot.


Tigsik ko ining makusog na baha
Ta  dara-dara mga ragpa
Tinaluban su paruyan sadto baba
Kaya uda kami nguwan isasapna.

Tigsik ko ining aligata
Ta napgpopoon ng magtagama
Sa tupasing kakaunon ninda
Ta a tag-uran arani na!

Tigsik ko ining bereran
Ta dawa  maalsom, masiram man
Lalo na pag ipinalaman
Sa sinaglay na sinilihan.

Tigsik ko ining facebook
Ta dakul sadi nauutitok
Igin, estudyante, gurang ay lang pook
Ta pati ako facebook na a sa utok

Tigsik ko ining parainom
Ta pag sinungkat ni agom
A malsok nagrurumarom
Nagiging punching bag si agom.

Tigsik ko ining tibabong
Ta sa dootan siging ugong
Tinakma ko ag pinugong
Lupsot na, kamot ko pa natubong!

Tigsik ko ining barani
Ta ku maka-anod sa kali
Naging baruto ni Jose!

Tigsik ko ining burod
Ta dawa unog paglapigot
Ta a iwag gana ulod
Uda man naaabt.

Tigsik ko ining samod
Ta dawa biyo nang podpod
Nakakalinig pa man sa salog.


Tigsik ko ining toro
Ta lang urot iaarado
Dawa pagal uda reklamo
Pakimaeerak sana lalao.

Tigsik ko ining kurakod
Ta sa bangbangan nagtatanod
Ulat bunga-bungang masinugod
Sa sako ka mais na ilulusod.

Tigsik ko ining tanod
Ta gurugab-i nagpapalawod
Dawa biyo ng kinukurod
Sa kariribukan suminusugod.

sa pararakop tuko

sige panika a nuyog
anapa kun sarin ako nagtatago....
rakupa ako.....
iloog sa kulungan...
ipabakal....


sa lungab siripa ako
sa irarom palapa o bunga
sa irarom ungkal bayda
ta baad
kun ako a makabulong
ka pag-alop ninyo,. sa pag-ilang
sige anapa ako
rakpon.......

sige talubi a itlog ko
bantayi a pagbilta ko siton lungab
saka ako takma-a
ta kun a apdo ko
a makabubulong ka pag-alop ninyo
manuk-ko na sana kamo.....


pero kun uda na kamo marungog
na nagtutuk-ko
kamo na sana a magpartuk-ko........

pag-tan-aw

Kadtong antik na  panahon
A mga gurang abu sa kadakol na tatangkason
Kaya man diri na sinda nagsusupong kalson
Imbes paldang alaba na pwedeng ibaton

Kaya kadtong antik na panahon
Sa mga potro nauso a mag-inirib
Kun buko sa ringring, sa sirung
Pasensiya na sana kun malason
Ta siguradong maparat na iyi a aabuton

                   
                      II


Sa bukid kun ika migkasilyas
Magi kang talas na mailyas
Ta kun  sa tinuwadan agko alas.
Sa pagdulag ika mapaduplas


Kun sa bukid ika migkasilyas
Ipamamayid bunot, laying o dahon tapayas
Pwede dawa uno basta bukong ingas
Ta sigurado sa sobrang gatol iton magasgas.

                          III
Kadtong antik na panahon
Pag ika nagpalawud lapdos aabuton
Kaya sumapin na sa bunot
Ta si apay pag dos por dos mapurot
Sa lubot mo patatamaon a pagkaungot.


Pero pag sa bunot  ominontot
A dos por dos na napurot 
Ag marisa na agko siton bunot
Ay doble a lapdos sa remateng lubot 
Kaya diri na magpalawud






               IV
Galin eskwelan
Da pa sinapna
Linuwas su bayuwan ag pandukduk
Binayo su ulang na paruy
Tinahopan
Sinapna
Saka nakapamudto.

pagsalunga

Pag-aagom nguwan na panahon


Sa panahon nguwan
Di na uso a pagmamalahi
Mas lalong di uso a pagdodote
Ta idiudulag na sana a babayi
Inililibot sa rapug nganing di mag-ali
Saka iuuli pag dakol na a trope.

si nene

Si Neneng nagkakanta,
dinulog kuraratsa
Kuraratsag abaniko,
abanikong kuraratsa
Kun gustog magkayaman
paagom sa kapitan.
Kapitan man na parasugal,
maray pang parabulang
Parabulang, kusinero
kusinero aldao-banggi
An sari puro karne,
karne man na puro tulang
Maray pang dinailan,
dinailan man na lag bata
Maray pang daing sira!

Umang



Sana mabisto mo ako
Buko sa puti o itom na alukaba ko
Kundi sa pagkamoot siton puso mo.....

Sana mabisto mo ako
Buko sa pormang aram mo
Kundi sa pagtubod ag paglaom siton puso mo......

traydor

hindi ako cain

Itinikom ko ang aking bibig
Pero sapilitang  iyong ibinuka
Walang kahit isang salitang lumabas doon...
Sapagkat hindi ako Cain.

Sa galit nila
Binusalan ng limang litrong tubig
Ang aking sapilitang  ibinukang bibig
Subalit walang lumabas na tinig
Pagkat wala akong takot....
walang kaligkig......

Pinalabas muli ng dagok
Ang limang litrong tubig
Na ibinusal sa pinilit na maibukang bibig
Subalit walang na akog panginginig
at wala na rin akong tinig......

Hindi ako Cain!
Kaya wala akong aaminin
Kahit paulit-ulit akong painumin....
Kahit buhay ay kitilin

-----para sa mga Makapili

pangako...



tensyonadong mesa


padabog
na hinugot
ang silya.........

ibinagsak
ang kutsara at
tinidor...........

walang
umimik...........
walang gustong
magsalita................
walang gustong
magsimula............


palayain ako


pAlaYAin aKo
..........................................
.........................
............
HuwAG aKOng iGaPoS
SA naKaRaAN
ITo aNG muNdo Ko
NGAYON!

kunG hIndi MaUnaWAAn
hiNDi ko IyON kAsALAnaN

pAlaYAin aKo
..........................................
.........................
............
ItO aKIng PAnitKAN


May pangako ang ulan

May pangako ang ulan
Sa pagbagsak nito sa bubungan….

Naputik na ang dalawang pulgadang alikabok sa daan
Muling nang sinariwa ang nauuhaw na lupa
Pinalis na ang pagkasabik ng natigang na ilog.

Tumutubo na ang naluoy na damo
Kumakaway na ang  mahamog na dahon ng mais
Na pinagtiyagang inilusod ng gitaking palad.

Malakas na ang daloy ng tubig sa balisbisan ng bundok
Puno na ang dram ng tubig mula sa sagurong
Mapapaligo na ulit ang bansot na baboy.

Nagbabagong kulay na ang bundok
Nagsasaplot na muli ng bulaklak at talbos
Kasabay ng pagtubo ng mais

May pangako nga  ang ulan
Sa kabundukan ng Cristo Rey…..
May pangako......

hagulhol sa dilim

paulit-ulit


pault-ulit na mabibigo
luluha
tatahan
tatawa
at muling mabibigo.....


mabibigo
at mabibigo
luluha
at luluha
tatahan
at tatahan
tatawa at tatawa.......


ritwal ng kabiguan
ang pauli-t ulit na pagkabigo
pagluha at pagtahan
at muling pagtawa......


ritwal rin ng pag-asa
ang pagbangon sa umaga
kasabay ng pagyakap
ng hintuturo ng araw
sa sangkalupaan..............​........


kirot ng kurot

kirot ng kurot ng pagsakit
ang sampal ng hanging
sumasakal sa aking  leeg.....

'di ako makahinga
at dahan ng  napiipigtas
ang huling talulot
ng aking pag-asa.......

yakapin mo ako
reyna na aking gabi
at ilatag kahit sa panandaling banig
ng paglimot....


at maghimala man
baka mapigtas  na ang
pising  nakatali sa aking leeg...........


kirot ng kurot ng pagsakit
ang sampal ng hanging
sumasakal sa aking  leeg.....

'di ako makahinga
at dahan ng  napiipigtas
ang huling talulot
ng aking pag-asa.......

yakapin mo ako
reyna na aking gabi
at ilatag kahit sa panandaling banig
ng paglimot....


at maghimala man
baka mapigtas  na ang
pising  nakatali sa aking leeg...........

walang saysay


walang saysay
ang aking tula
walang indayog
walang tugma.............

mga tuldok
ang aking tula
hindi mabasa
hindi maunawa............

walang halagang  salita
ang aking mga  tula
kahulugan di malirip
ng ordinaryong isip................

walang saysay
dahil tuldok
sino bang nakakabasa ng tuldok
ako lang yun, ako...................


mani

Sinalubong niya ang bus
mabilis siyang sumabit
sa pintuan nito.
(walang pasaherong nagulat)

Ni hindi natapon ang tinda
niyang mani.....

Mula sa likod inisa-isa niya ang pasahero
(pero walang pasaherong bumili.....)
Ng muling umarangkada ang bus
mabilis siyang tumalon
hindi siya nadapa,
hindi rin natapon ang mani
(walang pasaherong nagulat.....)


Muli sinalubong niya
ang isa pang paparating na bus
Umamba siya sa pintuan nito
Inisa-isa niya ang pasahero
Inalok ng kanyang mani.....

"Ale salted na mani
Kuya mani po!"
(walang pasaherong bumili)

Tanghali na
Singkwenta pa lang ang benta niya......

Muli, mabilis siyang tumalon
Sa pag-arangkada ng bus
(hindi siya nadapa
at hindi rin natapon ang  mani......)

Matubig na ang kanyang mukha
naghahalong pawis at luha
naghahalong pag-asa at awa..


"May sakit si bunso......
kailangang makabenta..........."
Muli sinalubong niya ang paparating na bus.....................