Hinukay ng mumunting kamay
ang nagnanaknak na pugad
At ang natagpuan
nagdurugong sugat...
Sa pagsibol ng saya
kinuyom ng palad
At bago naipasok
sa sisisdlang hamak
Nag-iwan ng mahapding
halik sa balat..
Ohh....
Ang saya ba ng iyong mundo
ay sa yukming plastic
at botelyang basag?
Sa matalas bang humihiwa sa ugat
Habang ang lipunan mo
nagkukunwaring 'di ka makita
o nalilingat?
No comments:
Post a Comment