Tuesday, November 29, 2011

luntiang lumot

Nasaan na ang luntiang lumot?
Na naging kandungan ng hamog.
Na kinaulayaw rin mga suso,
Habang gata'y ninanamnam at sinusuyo.

Nangungulila ako sa luntiang lumot.
Na ngayo'y tanging iniwan ay bakas,
Dahong lanta....mantsa sa pader.
Lumipas na panahon, anag-ag ng kahapon.

Haraya! Ibalik ang panahon
Upang muli kong maidampi
Ang uhaw na palad at upang muling makiliti
Sa munti nitong dahong nakangiti.

Igkas ng panahon at ang luntiang lumot,
Mamuhay ka sa matang nakapikit
Suson-suson man ang  maging pasakit
Ngiti ka sa panahong mapait.


At sa takipsilim ng yaring buhay
Sana'y muling madukal ang luntiang lumot
Upang manariwa ang kiliti.
At ang naluoy na katawa'y muling ngumiti.

No comments:

Post a Comment