Kung inuunawa lang ng tao ang kanyang sarili mas lalo niyang mauunawaan ang iba.
Sa ating buhay may bagay na mahirap malirip hindi dahil sa hindi pa ito
saklaw ng ating kaisipan kundi na sa takot tayo na unawain ito.Ayon sa
isang pilisopo namumuhay raw tayo ngayon ng miserable kasi kinalimutan
natin kung papaano mamuhay ng tulad ng isang munting bata.....
Sa katunayan madali nating nakikita ang pagkakamali ng iba subalit bulag
naman tayo sa ating sariling kamalian. Karaniwan ipinagsisigawan natin
na tayo ay magaling, kahit alam nating mas magaling sila kaysa sa atin.
Tandaan natin na ang pagpapakumbaba ay higit na mahalaga kaysa ano pa
man. Sa katunayan si Kristo ay namuhay sa daigdig upang turuan at
ipakita sa atin ang katangiang ito.
Hindi ba natin ini-isip na mas lalong bumaba ang ating moral kapag pinagpipilitang natin ang mga bagay na hindi dapat...
No comments:
Post a Comment