Ang mapanglaw na araw na iyon...
Ang mga bulaklak ay nangaluoy
Samantalang ang araw ay nagtago sa karimlan,
Nagsitigil rin ang awitan ng mga ibon,
Habang tumutulig sa kaumagahan
Ang panaghoy ng batingaw sa simbahan
Marami ng panyo ang binasa ng luha.
At nakakabagot ang prusisyong iyon
Prusisyong, makulay na karosa ay wala
Palahaw ng inag puso ay duguan
Hikbi ng amang mata'y luhaan
Ang bumugso sa sanlibutan.
Samantalang ang tunog-paaang marahan
Ay nakisimpatiya sa buhos ng ulan
At mamasdan doon sa unahan
Ang isang abang katawan
Na akay ng mga anghel na nag-aawitan.
jomark m. baynado
No comments:
Post a Comment