Tuesday, November 29, 2011

alipato

Sa sunog nagmula't tinangay ng hangin
Dinala sa ulap at sa papawirin
Nagpalutang-lutamg hanggang sa mapagod
Bumaba sa lupa tumugpa sa puntod.

Sa patak ng ulan nagkadurog-durog
Tinangay ng agos, sinindak ng kulog.
Araw ay dumating at muling natuyo
At sa kaunting ihip ay pumaimbulog.

Sumabay sa hangin papunta sa lagim
Biglang nanalanta at saka namuwing.
Mga mata'y binulag upang 'di makita
Ang bagay na mat'wid mabuti't magaling.


Tao'y nagkagulo sino ang salarin?
Ang mga alipato na dala ng hangin
Nararapat lamang sila'y panagutin
Sa perwisyong dala sila ang singilin.

No comments:

Post a Comment