Tuesday, November 29, 2011
Sa tutubing pinagpiyestahan ng mga langgam
Sa tutubing pinagpiyestahan ng mga langgam
Patawad, patawarin mo ang utak kong gutom sa karunungan.
Ngayon hila ka ng mga langgam
Pinag- aagawan.......
Pinagpipiyestahan
Ng mga buwitreng tampalasan
Lahat gustong sumipsip sa iyong ugat
Ng mga mumunting bampirang isinumpa.....
Na gutom sa dugo at laman....
Pakpak mong nakabuka tila krus na dasalan
Mga kamay mong dikit ay nanalangin
Marahil 'di ko nga nadama ang malagim mong kinahinatnan
Ang kirot ng kagat ng kamatayan.
Ngunit punyal namang tumagos sa aking puso
Ang buntong - hininga ng aking konsensiya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment