Ang gutom sa liwanag na paningin
Sa karunungan ay maliwanag rin
Sa kapa, sa pandama natututo
Sa awit ng maya o sa pipit na sinisinta
Sa lagaslas ng ilog o sa dapyo ng hangin
Sa bulong at buntong - hininga
Sa dampi ng palad ay makinang pang nakikita
Ang daigdig na pinipita.......
Aanihin ang matang malalaki
Kung nanlilisik naman
O kaya'y nagbubulagbulagan sa katotohanan isinasampal na...
Tulad kay Oedipus na pinaslang ang Ama
Inasawa't siniping pa ang ina
Bulag na nakamulat na mata....
No comments:
Post a Comment