Noong nasa krus ka at nakapako
Ang koronang tinik ay naging sulo
Tanglaw sa daang mapagkanulo
Upang sa putik kami’y mapalayo….
Ang sariwang pulang dugo
Na sa palad mo’y tumutulo
Katuparan ng kaligtasang pangako
Katuparan ng kasalanan naming iyong inako.
At sinabi mo “Matamis pala ang kalis ng apdo
Nakakakiliti pala ang halik ng latigo
Masarap pala ang tusok ng pako
Kung ang kapalit ay kaligtasan ninyo….”
No comments:
Post a Comment