Tuesday, November 29, 2011

Sumpaan sa ilalim ng buwan...

At sumilay ang mga bituin
Na na nagbigay liwanag sa karimlan ng gabi.....
Tinanglawan ang mag-sing irog
Naglalambingan sa himingting ng parang
Na katabi ng ilog na ang tubig ay kristal
At umaagos ng marahan
Patungo sa payapang latian
Na ang tumutubo'y mga halamang-tubig
Na nagririkitan.....

Nahihiya ang mga kuliglig
Na manaka-nakang sumisilip...
Nagsabog bango rin ang mga bulaklak
Na ang tamis ay humahalimuyak...
Samantalang nagalak ang mga palaka
Na nagsimulang mag-awitan
At maghabulan sa sariwang tubig-latian...


Sa gabing ito dalawang puso ang nagsumpaan
Saksi ang buwan at  mga bituin
Na silang buong pusong magmamahalan.

No comments:

Post a Comment