Saturday, November 5, 2011

pangako...



tensyonadong mesa


padabog
na hinugot
ang silya.........

ibinagsak
ang kutsara at
tinidor...........

walang
umimik...........
walang gustong
magsalita................
walang gustong
magsimula............


palayain ako


pAlaYAin aKo
..........................................
.........................
............
HuwAG aKOng iGaPoS
SA naKaRaAN
ITo aNG muNdo Ko
NGAYON!

kunG hIndi MaUnaWAAn
hiNDi ko IyON kAsALAnaN

pAlaYAin aKo
..........................................
.........................
............
ItO aKIng PAnitKAN


May pangako ang ulan

May pangako ang ulan
Sa pagbagsak nito sa bubungan….

Naputik na ang dalawang pulgadang alikabok sa daan
Muling nang sinariwa ang nauuhaw na lupa
Pinalis na ang pagkasabik ng natigang na ilog.

Tumutubo na ang naluoy na damo
Kumakaway na ang  mahamog na dahon ng mais
Na pinagtiyagang inilusod ng gitaking palad.

Malakas na ang daloy ng tubig sa balisbisan ng bundok
Puno na ang dram ng tubig mula sa sagurong
Mapapaligo na ulit ang bansot na baboy.

Nagbabagong kulay na ang bundok
Nagsasaplot na muli ng bulaklak at talbos
Kasabay ng pagtubo ng mais

May pangako nga  ang ulan
Sa kabundukan ng Cristo Rey…..
May pangako......

No comments:

Post a Comment