Saturday, November 5, 2011

mga tulang bitin

 bagong kamalayan
dahil nagsawa ka na sa tampisaw sa ulan
sa habulan at tagu-taguan
sa bahay-bahayan
at sa manika mong laruan
nabuksan ang bago mong kamalayan......

sige tumahak ka
tatagan ang loob
tatagan ang paniniwala
hanapan mo ng kasagutan
ang libo mong katanugan....
 Nob. 1
sumasayaw ang liwanag ng kandila
sa bawat pagyakap ng hangin ng kahapon
hahalik.....mangugumusta.... babati
uusal ng dasal ang anino
saka tatalikod.....
unos


marahas mong babatiin ang mga puno
babaliin....
bubuwalin...
ipapatak mo sa amin ang iyong luha
malulunod kami.....
at sa dinaanan mo
magmamarka ang pilat
na hihilomin ng iipuning naming pag-asa....


the long /i/ sound

/i/ lets produce it
3 times
/i/  /i/  i//
follow after me
sky
fly
cry
why
now read it by yourself
very good!
Iskrip ko sa speech class....



stress


TQ
LP
Deportment summary
Academic meeting
Syllabus
walang tulugan
(kinaumagahan....
Good morning class! inaantok na bati)
kopyahin ang nasa pisara!


bulaklak


masusugatan ang bulaklak
sa paghalik ng araw...
hihilumin ng gabi, hamog at  ng patak ulan ang sugat at kirot
magseselos ang hangin
sasampalin hanggang sa malaglag ang talulot
magagalirang sa lupa
subalit sisibol muli sa mga dahon
ang panibagong talulot....


titser

libro sa kanang kamay
cassete sa kaliwa
ipit ng kili-kili ang lalagyan ng chalk(yeso)
tagaktak ang pawis
lalapit ang isang bata
titser bakit ang dami mong dala?



ritwal


limang minutong katahimikan
susundan ng dasal
sinong lumiban?
wala? mabuti naman!
magsisimula na ang palabas
para sa apatnapong manonood
magtatanong
magpapaliwanad
magbibigay halimbawa
aantokin ang iba
lalapitan
tatanungin
kakamot sa ulo ang bata
makikinig
tuloy ang palabas
isa na ag nanonood!

kr_m_n

payapang dumadaloy ang batis
malinis,
lantay,
malakristal.....
umalingawgaw ang putok!
umungol ang gabi....
natakot ang kuliglig
may itinapon sa ilog
nagulo ang daloy
nagkakulay ang tubig
una matingkad
subalit pumusyaw pagkaraa'y bumalik sa payapang agos ang batis
subalit may isang di na bumalik...


ang aking pag-ibig


ang aking pag-ibig
ay walang lalim
walang kababawan
walang hugis
at walang anyo
ito'y pangakong ipinunla ko sa saiyong puso
at tiwalang pinanghahawakan mo.

http://dinsulan.freeforums.org/ang-aking-pag-ibig-t41.html


No comments:

Post a Comment